Babaerong aktor bantay-sarado sa dyowang aktres tuwing may taping
DAHIL kilalang babaero ang mahusay na aktor kaya bantay-sarado lagi siya sa dyowang aktres na simple lang ang ganda.
Nai-tsika ng taga-production ng TV series na gagawin ng mahusay na aktor na laging kasama nitong dumarating set ang kanyang girlfriend at dahil kilala rin naman siya ay natsi-tsika nito ang mga taga-production.
Hindi kasama si aktres sa project ni aktor pero lagi-lagi siyang present sa shooting kaya medyo naalangan ang lahat dahil walang ginagawa ang una kaya hahanapan siya ng bagong karakter para mapasok na rin sa nasabing online series.
Baka Bet Mo: Andrea Brillantes ayaw na raw kay Seth Fedelin, ani Mama Loi: Babaero raw kasi
Samantala, may gagawing pelikula ang aktor sa malayong lugar at hayun, ka-join ulit ang dyowang aktres.
Pinag-uusapan tuloy si aktres sa buong production kung wala raw ba itong project at may panahong sumama-sama sa dyowang aktor?
Marahil wala kasi nga nakakasama, eh.
Napaisip din kami dahil mahusay si aktres pero bakit nga ba wala siyang project?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.