Magaling na aktor nanghinayang nang palitan sa bonggang project; loveteam nina Gelli at Cris ang lakas magpakilig | Bandera

Magaling na aktor nanghinayang nang palitan sa bonggang project; loveteam nina Gelli at Cris ang lakas magpakilig

Reggee Bonoan |September 12,2022
facebook
share this

Magaling na aktor nanghinayang nang palitan sa bonggang project; loveteam nina Gelli at Cris ang lakas magpakilig

Reggee Bonoan - September 12, 2022 - 08:48 AM

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino siya?

TRULILI kaya na nanghihinayang ang mahusay na aktor na hindi siya natuloy sa magandang project na siya mismo ang bida dahil napunta na ito sa iba?

Nakatsikahan namin ang isang taong malapit sa mahusay na aktor na nagkuwento sa amin na hinayang na hinayang nga ito sa nasabing proyekto.

May naunang commitment kasi ang mahusay na aktor nang ialok sa kanya ang project at binanggit naman na may ginagawa siya pero ilang taping days na lang. 

“Willing to wait naman ang direktor at ‘yung mismong producer kasi siya talaga ang gusto, ang kaso sunud-sunod ‘yung ulan at bagyo pa, hindi natapos ‘yung unang sinu-shoot kaya na-extend at wala namang may kasalanan, understandable naman.

“May hinahabol palang airing date ang project para sa mahusay na aktor kaya kahit gusto siya ay kumuha na lang kapalit niya na masasabing okay din naman dahil magaling ding umarte.

“Ipinaliwanag naman sa production na na-extend kasi hindi maganda ang panahon, e, wala pinakawalan na si ____ (mahusay na aktor). 

View this post on Instagram

A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen)


“Tapos nalaman niya kung sino ang kapalit niya, e, naloka siya kasi parang may something sila,” pagtatapat ng taong malapit sa aktor.

Dagdag pa ng aming source, “Acting piece kasi ‘yung _____ (titulo ng serye), kaya lolo mo sobrang nanghinayang.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay ini-imagine namin ang dalawang aktor na parehong magaling umarte, parehong mabait, malakas ang appeal, at magaling makisama sa kanilang co-actors.

Parehong single ang dalawang aktor at ayaw pa nilang mag-asawa dahil, “Enjoy pa raw sila sa buhay binata.”

* * *

Naaliw kami kay Gelli de Belen dahil kung kailan tumanggap siya ng nanay role ay saka siya binigyan ng ka-loveteam sa katauhan ni Cris Villanueva na para silang college students kung kiligin at magpakilig sa manonood sa seryeng “2 Good 2 Be True.”

At may accident kissing scene sila, huh? Sa rami ng shows at movies ni Gelli na napanood namin ay wala kaming matandaang may kahalikan siya.

Kaya namin ito nabanggit ay dahil curious kami kung ano ang reaksyon ng asawa ni Gelli na si Ariel Rivera na balik TV5 ngayon para sa programang “Sing Galing” na napapanood mula ngayong gabi, Setyembre 12 hanggang Biyernes, Setyembre 16.

Idagdag pa ang reaksyon ng mga anak din nitong binata na, sina Joaquin at Julio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, tuloy-tuloy naman ang Sing-backbackan ng mga wildcard Singtestants sa Sing Galing kasabay ng birthday celebration ng Chief Sing-patiko Juke Boss na si Ariel.

Gelli pigil na pigil ang pag-iyak sa graduation ng anak: Hindi ako pwedeng umeksena, moment niya ‘yun!

Carmina inalala ang naging simula ng friendship nila ni Gelli: Nakita niya ako na parang kawawang bata sa isang event

Ariel ibinuking ang sikreto sa 25 years na pagsasama nila ni Gelli bilang mag-asawa: I just listen to my wife, that’s it!

Senatorial slot reserved na sa isang matinong pulis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending