Andrea Brillantes ayaw na raw kay Seth Fedelin, ani Mama Loi: Babaero raw kasi
TRUE kaya ang chika na ayaw na raw ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes sa kanyang ka-love team na si Seth Fedelin?
Napag-usapan kasi sa “Ogie Diaz Showbiz Update” kasama sina Mama Loi, at Tita Jegs ang batang aktres dahil nag-trending ito sa social media dahil nakita raw ito kasama ang athlete and commercial model na si Ricci Rivero.
Marami rin sa mga sumusuporta kay Andrea ang tila curious kung ano ba ang namamagitan sa kanila ng binata dahil aware naman ang lahat na may “special someone” ito at iyon ang kanyang onscreen loveteam na si Seth.
Kaya naman hindi rin maiwasan ni Tita Jegs na tanungin kung paano na sila ni Seth.
“Sabi ng source ko, parang gusto na rin daw ni Andrea na mag-out doon sa relationship status nila ni Ricci para hindi na siya ma-link romantically kay Seth,” saad ni Mama Loi.
Tanong naman ni Ogie, “Bakit ayaw na niya kay Seth?”
View this post on Instagram
Chika naman ni Mama Loi, “Eh babaero daw.”
“Nako, kailan malinawan natin yan mula kay Seth. Kung babaero ba siya at kay Andrea naman kung gusto na niyang aminin na sila na ni Ricci,” pagpapatuloy ni Ogie. “Pag sinabi niyang gusto na niyang mag-out, ibig sabihin sila na.”
Ano na nga ba ang real score ng batang aktres sa relasyon niya sa dalawang naggagwapuhang binata?
Matatandaang nitong Enero lang ay isa si Andrea sa mga artistang nag-trending dahil sa kumalat na chika ukol sa pagse-celebrate ng kanyang ka-loveteam na si Seth kasama ang pamilya ng co-member niya sa “Gold Squad” na si Francine Diaz.
May lumabas pa ngang balita na sinugod umano ang co-member sa dressing room dahil dito pero mukha namang naging okay na ang lahat dahil sa katunayan ay invited pa nga si Andrea sa debut ni Francine ngunit di nakapunta dahil nasa lock-in taping ito kasama sina Seth, at Kyle Echarri.
Related Chika:
Seth Fedelin na-pressure sa bagong serye: May mga English lines kasi, ‘yun ang pinroblema ko
Hindi po ako perfect, nagkakamali at nabubulol pa rin ako – Andrea Brillantes
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.