Sandara Park mas gustong maging single kesa magdyowa, may galit nga ba sa mga lalaki? | Bandera

Sandara Park mas gustong maging single kesa magdyowa, may galit nga ba sa mga lalaki?

Ervin Santiago |June 01,2023
facebook
share this

Sandara Park mas gustong maging single kesa magdyowa, may galit nga ba sa mga lalaki?

Ervin Santiago - June 01, 2023 - 07:25 AM

Sandara Park mas gustong maging single kesa magdyowa, may galit nga ba sa mga lalaki?

Sandara Park

MUKHANG matatagalan pa nga bago magkadyowa ang K-Pop idol at aktres na si Sandara Park — o posibleng manatili na lang siyang single for life.

Feeling namin, parang mas type muna ni Sandara na i-enjoy ang kanyang buhay at career ngayon nang walang iniintinding lalaki o karelasyon.

Sa interview kay Dara na mapapanood sa YouTube show na “No Back Tak Jae-hoon”, nagsalita ang Korean singer-actress na may pusong Pinoy tungkol sa isyu ng marriage.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sandara Park (@daraxxi)


Ayon sa South Korean idol, desisyon niya talaga ang manatiling single at wala raw siyang balak magkadyowa o mag-entertain ng suitors sa ngayon.

“Why? Do you hate men?” ang diretsahang tanong ni Jae-hoon kay Sandara.

“It’s not like that. I want to stay single. There are too many people around me who have experienced failed marriages,” paliwanag ni Dara.

Muli niyang naikuwento ang mga panahong nasa pangangalaga pa siya ng YG Entertainment, kung saan strictly implemented ang pakikipag-date na talagang nakaapekto raw sa kanyangvl personal and dating life.

“After I debuted, all these male celebrities hit on me. Yang Hyun Suk (former head ng YG) eventually heard the rumors and confiscated all four of our cellphones because of me,” pagbabahagi pa niya.

Baka Bet Mo: Sandara minahal ang Pinas ‘sa isip, sa salita at sa gawa’; Vhong madalas umihi kaya nagpalagay ng CR sa sasakyan

Napakarami rin daw “sunbae” (older artists) at “hoobae” (younger artists) ang nagtangkang manligaw sa kanya noon.

Sa isang panayam noon kay Dara, naichika rin niya ang tungkol sa dating ban na naranasan niya noong talent pa siya ng YG Entertainment.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sandara Park (@daraxxi)


“When I was a trainee, I was scolded for being in a relationship, and my manager took away my cellphone. Then after I debuted, there was a five-year dating ban.

“I really didn’t date because they told me not to.

“Only recently did I make up my mind to date actively. All I needed was a will to be more assertive. I would like to take this opportunity to apologize to my ex-boyfriends,” pag-amin pa niya.

Naging member si Sandara Park ng K-Pop group na 2NE1 kung saan nakasama niya sina  Bom, CL, at Minzy. Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang Fire,” “I Don’t Care,” at “I Am The Best.”

Maricel single na single pa rin, mukhang ayaw nang magkadyowa uli: ‘Masyado nang masakit yung heart, delikado ang love’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis todo puri kay Sandara Park: Para siyang tunay na Filipino kung magsalita at kumilos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending