Sandara minahal ang Pinas 'sa isip, sa salita at sa gawa'; Vhong madalas umihi kaya nagpalagay ng CR sa sasakyan | Bandera

Sandara minahal ang Pinas ‘sa isip, sa salita at sa gawa’; Vhong madalas umihi kaya nagpalagay ng CR sa sasakyan

Alex Brosas |April 29,2022
facebook
share this

Sandara minahal ang Pinas ‘sa isip, sa salita at sa gawa’; Vhong madalas umihi kaya nagpalagay ng CR sa sasakyan

Alex Brosas - April 29, 2022 - 07:15 AM

Sandara Park at Vhong Navarro

TALAGANG mahal ni Sandara Park ang mga Pinoy at kung may pagkakataon, talagang nakikipag-usap siya sa mga Filipino.

Ayon sa isang website, may ishinare na video si Sandara sa kanyang Instagram account kung saan um-order siya ng pagkain mula sa isang Filipino staff ng isang restaurant  sa Dubai.

“For your information. I’m in Dubai right now but since there are so many Pinoys here, I keep on speaking Tagalog so naturally. So comfortable,” say niya sa IG post niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sandara Park (@daraxxi)


“Nag-oorder ako ng food in Tagalog and then I realized nasa Dubai pala ako. Ang cute!!! Thank you sa mga love niyo sa akin,” dagdag pa niya.

Tuwing may chance, ginagamit ni Sandara ang Pinoy language kahit sa kanyang mga interviews.

Ayon pa rin sa report ng isang website, noong 2021 ay nag-tweet si Sandara tungkol sa pagkakaiba ng weather between South Korea at Philippines using the Filipino language.

Malayo man ang naabot ng former “Star Circle Quest” contestant, talagang minahal niya nang husto ang ating bansa – sa isip, sa salita at sa gawa.

* * *

Nagbabalik sa YouTube ang “It’s Showtime” host na si Vhong Navarro matapos ang 11 months na hindi pagpo-post ng kahit ano sa kanyang channel.

Sa kanyang pagbabalik ay nagbigay si Vhong ng van tour at ipinakita niya ang kanyang second hand van na kanyang ipina-customize.

Ang suggestion ng nag-customize sa kanya ay gawing kakaiba ang color ng kanyang van inside.  Ang pinili niya ay ang color gray at blue at swak naman ito sa kanyang panlasa.

“Nag-isip kami ng tamang kumbinasyon at ang napili ko ay itong gray at parang nagbu-blue siya na parang ewan. Basta ito ang napili kong kulay at iyan ang kinalabasan ng kumbinasyon niya,” say ni Vhong.

Nagpalagay siya ng Led TV para makapanood sa local channels at iba’t ibang platforms.

Ang say ni Vhong ay isang commuter van ang kanyang sasakyan  na may 12 seater sa loob at three seater sa harap.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)


May dalawang captain seats sa loob na puwedeng mag-recline para kung gusto niyang matulog ay pupuwede.  May hanger portion din para sa mga damit ni Vhong para sa tapings and shootings.

Idinemo din ng “It’s Showtime” host ang sofa bed  na nako-convert bilang kama. May mga compartment din para sa iba’t ibang gamit ni Vhong.

“Ang nagustuhan ko dito sa aking van na second hand ay kung gusto mong mag-relax ay gamitin mo ang captain seat at dapat nakaka-relax talaga pati ‘yung ilaw,” say ni Vhong sabay pakita ang pag-iba-iba ng klulay ng ilaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aminado si Vhong na madalas siyang umihi kaya naman nagpagawa siya ng mini comfort room sa kanyang van.

Wish ni Sandara Park ngayong Pasko: Sana makabalik uli ako sa Pilipinas

Reunion ng 2NE1 sa Coachella No. 1 top trending topic sa Twitter; iconic hairstyle ni Sandara Park agaw-eksena

Vhong excited na sa pagbabalik ng madlang pipol sa studio ng ‘Showtime’: Soon mangyayari na yan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending