Joshua shookt sa atensyon ng K-pop idols dahil sa viral TikTok videos: 'Nagulat ako! Ang sarap sa pakiramdam!' | Bandera

Joshua shookt sa atensyon ng K-pop idols dahil sa viral TikTok videos: ‘Nagulat ako! Ang sarap sa pakiramdam!’

Ervin Santiago |February 13,2023
facebook
share this

Joshua shookt sa atensyon ng K-pop idols dahil sa viral TikTok videos: ‘Nagulat ako! Ang sarap sa pakiramdam!’

Ervin Santiago - February 13, 2023 - 07:02 AM

Joshua shookt sa atensyon ng K-pop idols dahil sa viral TikTok videos: 'Nagulat ako! Ang sarap sa pakiramdam!'

Joshua Garcia

HINDI in-expect ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia na magiging  TikTok star siya nang dahil sa dami ng kanyang viral dance challenge sa social media.

Ayon kay Joshua, gusto lang daw niyang pasayahin ang kanyang mga fans na tuwang-tuwa at aliw na aliw sa kanyang mga TikTok video na nagsimula lang sa katuwaan.

Kuwento ng leading man nina Jane de Leon at Janella Salvador sa katatapos lang na ABS-CBN series na “Darna”, hindi naman talaga siya nagpo-post ng mga video sa TikTok.

“Kapag-trip ko lang. Hindi palagi. Kapag naramdaman ko lang or kapag may nakita akong magandang sayaw at feeling ko mukhang maangas ako dito kapag ginawa ko,” paliwanag ni Joshua sa interview ng “GG-HAN” sa Cinemo.

Inamin din ng Kapamilya matinee idol na hindi rin siya tumatambay sa social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)


Kapag nakagawa na raw siya ng video sa TikTok, “Ina-upload ko na agad, tapos iniiwan ko na ulit siya. Hinsi rin ako masyadong nagtatagal sa social media.”

Super shocked nga raw siya nang mag-viral ang una niyang TikTok entry na in-upload niya noong December, 2021. Ito yung kanyang “Ginseng Strip 2022” challenge.

Ilang oras lamang ang lumipas ay milyun-milyon na agad ang views nito. Habang sinusulat namin ang balitang ito ay meron na itong mahigit 144 million views sa TikTok.

“Masaya siyempre kasi nakikilala ka sa iba’t ibang parte ng mundo. Parang overwhelming lang ‘yung naramdaman ko sa mga tao tapos ginagawa pa nila, parang stini-stitch pa nila ‘yung video,” ang reaksyon ni Joshua sa pagiging TikTok superstar.

Rayver, Julie Anne nag-collab sa TikTok video, netizens kinilig: Kayo na lang!

Sa isang panayam, nasabi ni Joshua na, “Actually nu’ng sobrang fresh pa nung pag-upload ko nung video, sobrang gulat na gulat ako.

“Tapos tuwang-tuwa ako sa mga tao kapag pinapagawa nila sa mga boyfriend nila. Tawang-tawa ako kapag pinagtitripan nila ‘yung video ko,” aniya pa.

Heart ‘tiis-ganda’ sa Paris Fashion Week 2022: Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya!

“Parang feeling ko kahit ang bigat ng panahon natin sa moment na ‘yon, sa linggo na ‘yon, sa week na ‘yon, ay napapasaya ko sila.

“Sarap lang sa pakiramdam. Ako sobrang gulat na gulat ako na ganoon (karami) ‘yung views,” aniya pa.

In fairness, hindi lang mga fans ni Joshua ang nagla-like at nagkokomento sa kanyang mga TikTok videos kundi pati mga sikat na celebrities tulad nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at  TikTok superstar Bella Poarch.

Ang mas bongga, pati ang mga K-Pop idol ay nakakapanood sa kanyang viral videos, “Nagulat ako na ginagawa siya ng mga taga-ibang bansa, ng mga K-pop idols.

“Nagulat ako nang ginawa nila ‘yon, parang ‘yon pa lang feeling ko sarap sa pakiramdam, kasi siyempre nakikita nila ang video ko umaabot sa ibang lugar, ‘di ba?” aniya pa.

At dahil nga rito, itinanghal si Joshua bilang isa sa mga 2022 TikTok Breakthrough Stars.

SB19, Andrea Brillantes, Sanya Lopez waging ‘Top Celebrity’ sa 1st TikTok PH Awards

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending