True ba, hindi imbitado ang pamilya Barretto sa kasal ni Dominique Cojuangco? | Bandera

True ba, hindi imbitado ang pamilya Barretto sa kasal ni Dominique Cojuangco?

Ervin Santiago |March 08,2023
facebook
share this

True ba, hindi imbitado ang pamilya Barretto sa kasal ni Dominique Cojuangco?

Ervin Santiago - March 08, 2023 - 11:21 AM

True ba, hindi imbitado ang pamilya Barretto sa kasal ni Dominique Cojuangco?

Claudine Barretto, Gretchen Barretto, Dominique Cojuangco at Michael Hearn

KINUKULIT ngayon ng mga netizens si Claudine Barretto kung bakit wala siya sa bonggang wedding ng kanyang pamangkin na si Dominique Cojuangco kamakailan.

Naganap ang engrandeng kasal ng nag-iisang anak nina Gretchen Barretto at Tonyboy Cojuangco at ng asawa nitong si Michael Hearn nitong Sabado, March 4, sa San Agustin Church sa Maynila.

Ginanap naman ang reception sa National Museum of Natural History na talaga namang nakakuha ng sandamakmak na reaksyon mula sa mga netizens.

Kasunod nga nito ay ang paglabas ng mga comments at pagtatanong ng madlang pipol kung bakit wala sa kasalan ang iba pang miyembro ng Barretto family, kabilang na ang tiyahin ni Dominique na si Claudine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)


Kahit ang maternal grandmother ni Dominique na si Inday Barretto ay wala rin sa kasal.

Ang alam kasi ng publiko ay maayos na ang relasyon nina Gretchen at Claudine pati na ng nanay nito kaya bakit daw hindi um-attend sa wedding ni Dominique.

Inaasahan na ng mga netizens kung bakit wala roon ang pamilya ni Marjorie Barretto, ito’y dahil magkagalit pa rin ang nanay ni Julia Barretto at si Gretchen.

Pang-uusisa ng isang netizen kay Claudine, “Hi po! Hindi ka po ba pumunta sa wedding ni Dominique?”

Sinagot siya ng netizen na hindi raw yata invited si Claudine sa wedding ng kanyang pamangkin.

Reply naman ng isa pang social media follower ni Claudine, “I understand Marjorie not invited kasi they’re not on speaking terms. But why is Claudine and her mom not invited? Odd.”

Hirit na sagot ng isang netizen, “Ayaw daw ni Dominique. Walang Barretto family member na invited.”

Baka Bet Mo: Dominique Cojuangco itinangging nagdadalang tao, may babala kay Cristy Fermin

May mga nagkomento naman na baka raw talagang hindi inimbita ni Dominique ang mga kapamilya niya sa Barretto clan para wala na lang isyu at maiwasan ang anumang gulo at intriga.

Habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa naglalabas ng statement si Claudine kung bakit absent siya sa kasal ng kanyang pamangkin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by DCH (@dominique)


Kung matatandaan, mismong si Claudine na ang nagsabibsa isang panayam na maayos na ang estado ng relasyon ng kanilang pamilya. Sa katunayan, nag-reunion pa sila noong Bagong Taon.

“My mom just got out of the hospital two days ago because of COVID. Yes, we had a great New Year. Sinalubong namin ang bagong taon na sobra-sobrang masaya dahil magkakasama kami ng pamilya, ng buong pamilya ko.

“It was such a touching experience. Nakaka-miss yung mga pamangkin ko, nakasama ko ulit.

“Si Marjorie at ako, we were civil naman, pero alam mong wala na… wala nang gulo. Alam mong may peace na,” lahad ni Claudine.

“It was, I think, the best New Year of my life. I’m sure, may dad’s so happy kasi nga magkasama kaming lahat.

“I was just able to enjoy my nephews and nieces again, after two years nu’ng nagkagulo sa wake ng dad ko,” paliwanag ng aktres.

Kim Chiu proud tita sa 3 pamangkin na nagtapos ‘with honors’: I wanna cry na…parang ako yung nagluwal!?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dominique Cojuangco nagpakasal na sa non-showbiz partner na si Michael Hearn

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending