Michelle Madrigal sa pagbabati nila ng ina makalipas ang ilang taon: Time heals all wounds talaga | Bandera

Michelle Madrigal sa pagbabati nila ng ina makalipas ang ilang taon: Time heals all wounds talaga

Ervin Santiago |June 30,2021
facebook
share this

Michelle Madrigal sa pagbabati nila ng ina makalipas ang ilang taon: Time heals all wounds talaga

Ervin Santiago - June 30, 2021 - 11:17 AM

PINATUNAYAN ng mag-inang Michelle Madrigal at Karla Kalua na naghihilom at gumagaling ang mga sugat ng nakaraan pagdating ng tamang panahon.

Nagbahagi ang dalawang dating aktres sa madlang pipol kung paano sila nagkaayos makalipas ang ilang taong pagdededmahan at samaan ng loob sa isa’t isa.

Sa pamamagitan ng bagong vlog ni Michelle sa YouTube, napag-usapan nila ng ina ang tungkol sa naging relasyon nila noon bilang magnanay at kung anu-ano pang kuwento about their personal lives.

Nag-compare notes pa sila kung anong klase silang mommy at kung paano ang style nila sa pagdidisiplina sa anak.

Isang netizen naman ang nagtanong sa kanila kung paano nila naayos ang mga issue ng nakaraan. Sabi ni Karla, “Paano ba natin na-settle? Parang 16 years old, lumayas na ‘to ng bahay eh.” 

Aniya, nagsimulang maging maayos ang lahat noong magbuntis si Michelle sa panganay na anak nila ng kanyang asawang African- American na si Troy Woolfolk. 

“Balik, okay. Ganu’n eh. Parang nu’ng mas marami na tayong pinagdaanan. ‘Yung matagal na tayong hindi nagkasama. After that, I got married, ikaw bigla kang nabuntis,” pagbabahagi pa ng nanay ni Michelle. 

Sabi naman ng aktres, “I had a very sensitive first month nu’ng pregnancy ko. Talagang bed rest lang.” 

Pahayag pa ni Karla, talagang bumawi siya nang bonggang-bongga sa kanyang anak noong muli silang magkasama at magkaayos.

“That was the time I was really trying my best na parang ‘yung nawalang time or ‘yung mag-makeup, ginagawa ko ‘di ba? I mean, naging okay five or six years ago. Du’n nag-start tayo nina Ehra (kapatid ni Michelle na dati ring aktres naging okay,” sey pa ni Karla. 

Mas lalo pa raw silang naging close ni Michelle nang magkasakit nang magkasakit ang tatay ng aktres, “Tapos ‘yung Dad mo naging sick. Parang du’n tayo lalong naging close.

“We realized a lot of things. Life is really short, you know?” aniya pa.

Dito na nga nabanggit ng dating Kapuso actress na pinaghihilom talaga ng panahon ang mga nasirang relasyon para tuluyang nang makapag-move on.

“Time heals all wounds talaga. Hindi talaga pwedeng i-force, in any situation, time talaga. Mangyayari na lang naturally,” sey ni Michelle na produkto ng Kapamilya reality talent search na “Star Circle Quest.”

“Sobrang totoo ‘yun. Kapag pinagdarasal mo, mangyayari ‘yan. Even their marriage, si Ehra, talagang dasal talaga,” sey naman ng ina nina Michelle at Ehra.

“When you become a mom, it changes everything,” dagdag pa ng dating aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa Amerika na nakatira ngayon si Michelle kasama ang asawa at anak at wala namang nababanggit ang dating young actress kung may balak pa ba siyang bumalik sa Pilipinas para balikan ang kanyang showbiz career.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending