Michelle Madrigal ikinasal na kay Kevin Neal sa Texas court house
IKINASAL na ang dating Kapuso actress na si Michelle Madrigal sa kanyang fiancé na si Kevin Neal nitong nagdaang Lunes, July 22, 2024.
Ito ang ikalawang pagkakataon na nagpakasal si Michelle, ang una niyang naging asawa ay ang Amerikanong football player na si Troy Woolfolk.
Ibinandera ng hindi na gaanong aktibong aktres ang pagpapakasal nila ni Kevin sa kanyang Instagram account ngayong araw, July 24 (Philippine time).
Naganap ang simple civil wedding ceremony sa isang court house sa Texas, base na rin sa kanyang ginamit na hashtag sa kanyang IG post kabilang na ang “#austintexas #courthousewedding #courthouse #atxlife #texas at #civilwedding”.
Baka Bet Mo: Kevin Santos, non-showbiz wife malaki ang natipid sa pandemic wedding: Hindi ka pwedeng gastos nang gastos
Sa kanyang caption, nabanggit ni Michelle na plano rin nila ng kanyang husband na si Kevin na magsagawa ng isang hiwalay na celebration kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at malalapit na kaibigan.
“Signed. Sealed. Delivered.
“Kevin and I shared a deeply intimate union yesterday.
“We are two people seeking the Lord to grow individually and as a couple, and to guide Anika and our future children,” ang caption ni Michelle sa kanyang social media post.
May ipinost pa siyang quote mula sa Bible verse, Matthew 19:6, “So they are no longer two, but one flesh. Therefore what God has joined together, let no one separate.”
Matatandaang noong May 24, 2024 unang ipinaalam ni Michelle sa publiko na engaged na sila ni Kevin at pagsapit ng June 12, in-announce na nila ang kanilang planong pagpapakasal.
Inilarawan pa niya si Kevin bilang “partner in Christ,” “business partner,” at “the best stepdad to Anika.” Si Anika ang anak ni Michelle sa first husband niyang si Troy.
Ikinasal sina Michelle at Troy noong April, 2019, pero naghiwalay din noong August, 2021. Naaprubahan ang kanilang divorce last May, 2022.
Bago magpakasal kay Kevin, nagkaroon pa ng isang Amerikanong dyowa si Michelle, si Kyle pero nagkahiwalay din noong 2023.
Ilang taon nang naka-base si Michelle sa Amerika at isa na siyang realtor sa Texas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.