Michelle Madrigal inilibot ang non-showbiz dyowa sa Thailand at Pilipinas | Bandera

Michelle Madrigal inilibot ang non-showbiz dyowa sa Thailand at Pilipinas

Therese Arceo |December 17,2022
facebook
share this

Michelle Madrigal inilibot ang non-showbiz dyowa sa Thailand at Pilipinas

Therese Arceo - December 17, 2022 - 03:44 PM

Michelle Madrigal inilibot ang non-showbiz dyowa sa Thailand at Pilipinas
NAGBAKASYON ang dating aktres at kasalukuyang naka-base ngayon sa Amerika na si Michelle Madrigal sa Thailand at Pilipinas kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang larawan kasama ang dyowa na pinangalanan niya bilang “K”.

“11 days with you. It was a short but sweet vacation in Thailand and Philippines. I enjoyed being disconnected from the world and not having a phone during this trip,” saad ni Michelle.

Pagpapatuloy niya, “Thanks K for being the best travel partner. I can’t wait to take the kids with us next time.”

Makikita nga sa ilang mga pictures na mukhang naipakilala na nga ni Michelle ang kanyang boyfriend sa ilang mga kaanak maging sa kanyang mga kaibigan dito sa Pilipinas.

Halata ring nag-enjoy talaga ang dalawa sa kanilang naging vacation trip sa Thailand at sa Pilipinas dahil nasolo nila ang kanilang 11 days na bakasyon without their kids.

Matatandaang si Michelle ay may anak na babaeng si Anika sa kanyang ex-husband na si Troy Woolfolk.

Samantalang ang kanyang current boyfriend na si “K” ay may anak rin sa dati nitong karelasyon.

Inamin ni Michelle na nakilala niya sa isang dating app ang kanyang bagong dyowa.

Sa kanyang panayam sa pep.ph ay sinabi niyang hindi pa niya masabing “love” ang nararamdaman niya kay “K” dahil mas malalim na raw ang depinisyon niya nito dahil nagkaroon na siya ng asawa.

Pero sa kabila nito ay masaya siya dahil talagang swak na swak siya ng kanyang current boyfriend.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Michelle Madrigal | Real Estate Agent (@mitch_madrigal)

“Okay na okay kasi he’s also a dad, he has two kids, and he’s also divorced. So, dun kami nagkaroon ng connnection,” chika niya.

Dagdag pa ni Michelle, “When we started dating, talagang talking lang. The more I talk to him, the more that I realized we have a lot of core values na mas aligned.

“It was something I was looking for if I were to date again. Dun na nag-start, I guess, yung relationship.”

Related Chika:
Michelle Madrigal payag pa ring magpakasal kahit nawasak ang unang kasal: Love is love!

Michelle Madrigal sa pagbabati nila ng ina makalipas ang ilang taon: Time heals all wounds talaga

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Michelle Madrigal nalulungkot sa paglipat ng bahay matapos ma-divorce: I don’t think happy tayo kapag maghihiwalay…

Michelle Madrigal handa na sanang maging single forever pero na-in love uli: It’s so freeing to feel like a lady again

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending