Michelle Dee tanggap ang pagkatalo kay Celeste Cortesi; hindi pa rin isusuko ang pangarap na Miss Universe crown? Bandera

Michelle Dee tanggap ang pagkatalo kay Celeste Cortesi; hindi pa rin isusuko ang pangarap na Miss Universe crown?

Ervin Santiago |May 03,2022
share this

Michelle Dee tanggap ang pagkatalo kay Celeste Cortesi; hindi pa rin isusuko ang pangarap na Miss Universe crown?

Ervin Santiago - May 03, 2022 - 12:27 PM

Michelle Dee at Celeste Cortesi

TANGGAP na tanggap ng itinanghal na Miss Universe Philippines Tourism 2022 na si Michelle Dee ang kanyang pagkatalo kay Celeste Cortesi na kinoronahang Miss Universe Philippines 2022.

Itinuturing ng Kapuso actress na isa sa “most intense moments” sa buhay niya ang pagrampa at paglaban sa Miss Universe Philippines 2022 kasabay ng pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanyang pageant journey.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Michelle ng kanyang litrato at nilagyan ng caption na,  “This moment was probably one of the most intense in my life (so far) but at the end of it all, I’m filled with nothing but gratitude for the love, lessons, and endless support I’ve received.

“No effort will go unnoticed and I promise to come out stronger (heart and fire emojis),” aniya pa.

Kasunod nito, nais linawin ni Michelle na walang “bad feelings” sa pagitan nila ng newly-crowned Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi. Aniya pa, super proud din siya kay Celeste.

“As @celeste_cortesi and I gave our all to win the crown, in the end we always knew only one of us would win.

“No one can take her destiny away from her because she is queen well-deserved and a true friend for that matter as well. Glad to have shared this moment with you just like we manifested,” pahayag pa ni Michelle.

Nag-comment naman si Celeste sa IG post ng Kapuso actress-beauty queen, “More than anything else, I’ve found a friend and couldn’t be happier to share this experience with you and Kat. You are amazing and truly a queen.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by MMD (@michelledee)


Samantala, sa huling bahagi ng post ni Michelle, tila nagparamdam ang dalaga na hindi pa tapos ang kanyang journey sa mundo ng beauty pageant at posibleng lumaban siya uli sa national pageant.

“Mahal ko kayo and who knows this might not be the last,” sey ng dalaga.

Bago ang Miss Universe Philippines grand coronation night, marami ang nagsabi na mukhang liyamado na si Michelle sa laban matapos humakot ng special awards sa preliminary competition.

Si Michelle Dee ay kinoronahang Miss World Philippines 2019 at siya ay anak ng aktres at dati ring beauty queen na si Melanie Marquez (Miss International 1979).

Rabiya sa pagkatalo sa 2020 Miss U: It was heartbreaking…that night wasn’t meant for me

Jinkee kay Pacman: Win or lose you are forever the champion of our hearts, I’m proud to be your wife!

Alden kay Jasmine: Sabi ko, ang sarap namang makasama nito bilang partner…dream come true

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending