Baby girl unang magiging anak nina Joyce Ching at Kevin Alimon

Baby girl ang unang magiging anak nina Joyce Ching at Kevin Alimon

Ervin Santiago - August 01, 2024 - 07:18 AM

Baby girl ang unang magiging anak nina Joyce Ching at Kevin Alimon

Joyce Ching at Kevin Alimon

IT’S a girl! Yes! Babae ang unang magiging anak ng Kapuso actress na si Joyce Ching at ng kanyang asawang si Kevin Alimon.

Excited at masayang ibinalita ng mag-asawa ang good news sa kani-kanilang Instagram account na pinusuan at umani ng sandamakmak na likes mula sa netizens.

Nag-post sila ng video na naglalaman ng naging kaganapan sa naganap na gender reveal party na dinaluhan ng kanilang respective family at malalapit na mga kaibigan.

“IT’S A!!! Halatang halata sino ang team boy at team girl (laughing face emojis). We love you our Hawhaw,” ang caption na inilagay ni Joyce sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Juancho inaatake na ng nerbiyos: The pressure of being a father and husband is a lot

Sa isang bahagi ng video, makikita ang paghila ng mag-asawa sa strings na nakakabit sa bear-shaped piñata, at ang pag-ulan ng pink confetti – meaning baby girl nga ang ipinagdadalang-tao ng Kapuso actress.

Tuwang-tuwa naman si Joyce nang malamang babae ang una nilang magiging anak habang tila na-shock naman ang kanyang mister sa resulat ng gender reveal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joyce Ching (@chingjoyce)


Binati naman ng kanilang mga followers sa IG ang mag-asawa kabilang na ang mga kaibigan nila sa showbiz tulad nina Dingdong Dantes, Carla Abellana, Kim Rodriguez, Ashley Ortega, Rufa Mae Quinto, Jason Abalos, Sophie Albert, at ang PBA player na si Calvin Abueva.

Isa pang bumati kina Joyce ay ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi, “Congratulations Team Girl! welcome to the club. masaya may anak na babae @chingjoyce.”

Baka Bet Mo: Michelle Madrigal ikinasal na kay Kevin Neal sa Texas court house

Nag-reply naman si Joyce sa kanya ng, “@yasmien_kurdi Haha! Thanks ate Yas! I-coconvince ko si Kevin na masaya ang babaeng anak!”

Pati ang award-winning actress at director na si Gina Alajar na ninang nila sa kasal ay napakomento rin, “Congratulations Joyce and Kevin! Sobrang saya!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joyce Ching (@chingjoyce)


Pagbati ng kapwa Kapuso star na si Thea Tolentiono, na present din sa gender reveal party, “Kumusta na si Kevin? Congrats again guys!!!”

Reply naman ni Joyce, “@theatolentino eto, tulala pa rin!”

Nitong nagdaang June ay ibinandera ni Joyce na apat na buwan na siyang buntis, “The start of the year, God placed a desire in our hearts to really start praying and believing Him for a baby.

“Was it scary? Yes. We thought about it hard and decided, ‘G, si Lord naman bahala sa atin.’ And now, we’re 4 months pregnant,” sabi ni Joyce sa kanyang IG post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal ang mag-asawa sa pamamagitan ng isang Christian ceremony noong December, 2019.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending