Joyce Ching buntis sa 1st baby: ‘4 months pregnant!’

Joyce Ching magiging ina na, buntis sa 1st baby: ‘4 months pregnant!’

Pauline del Rosario - June 08, 2024 - 01:33 PM

Joyce Ching magiging ina na, buntis sa 1st baby: ‘4 months pregnant!’

PHOTO: Instagram/@chingjoyce

NAKAKATUWA ang announcement ng Kapuso actress na si Joyce Ching at ng kanyang non-showbiz husband na si Kevin Alimon!

Opisyal na kasi silang magiging magulang!

Sa Instagram, proud na inanunsyo ng mag-asawa na apat na buwan nang nagdadalang-tao si Joyce para sa panganay nila.

“The start of the year, God placed a desire in our hearts to really start praying and believing Him for a baby. Was it scary? Yes,” panimulang caption ng aktres kalakip ang selfie ng couple at sonogram ng kanilang baby.

Kwento pa sa post, “We thought about it hard and decided, ‘G, si Lord, naman bahala sa atin.’ And now, we’re 4 months pregnant.”

Baka Bet Mo: Joyce Ching handa nang maging misis; sobrang ngawa nang yayaing pakasal

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa comments section, bumuhos ang “congratulatory” messages mula sa ilang celebrities, kabilang na sina Barbie Forteza, Megan Young, EA Guzman, Jackie Lou Blanco, Jak Roberto, at marami pang iba.

Bukod diyan, ibinida rin ng soon-to-be parents ang good news sa pamamagitan ng kanilang YouTube vlog.

Mapapanood sa video na nalaman nilang buntis si Joyce noong March 26 matapos ang ilang pregnancy tests at pagbisita sa doktor.

“Okay naman daw everything. Kanina hindi ko na mapigil ‘yung iyak ko,” sey ng aktres nang makuha na niya ang resulta na seven weeks at three days na siyang pregnant.

Sa dulo ng vlog, may favor si Joyce sa kanyang fans: “Please keep us in your prayers.”

Kung matatandaan, taong 2019 nang ikinasal sina Joyce at Kevin.

Sa isang interview, inilarawan ni Joyce ang pakikipagrelasyon sa isang non-showbiz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Magkaiba [kayo] ng world, so marami napag-uusapan at marami kayong natutunan sa isa’t isa,” sambit niya.

Paliwanag pa ng aktres, “Yung advantage kapag showbiz [ang dyowa], hindi ka kailangan mag-explain kasi alam niya ‘yung mundo ng showbiz. Kapag non-showbiz, kailangan mong ipaintindi yung ibang bagay.”

Si Joyce ay sikat sa mga pagganap niya sa “Tween Academy: Class of 2012,” “Endless Love” “Anna Karenina,” at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending