Angeline idinaan sa Asoka Challenge ang gender reveal

Angeline idinaan sa Asoka Challenge ang gender reveal: It’s a girl!

Ervin Santiago |May 07,2024
facebook
share this

Angeline idinaan sa Asoka Challenge ang gender reveal: It’s a girl!

Ervin Santiago - May 07, 2024 - 01:32 PM

Angeline idinaan sa Asoka Challenge ang gender reveal: It’s a girl!

IDINAAN ni Angeline Quinto sa “Piliin Mo Ang Pilipinas” challenge ang pa-gender reveal para sa second baby nila ng asawang si Nonrev Daquina.

Viral na ngayon ang TikTok video ng Kapamilya singer-actress kung saan in-announce nga niya na “baby girl” ang kanyang ipinagbubuntis.

Binigyan nga ni Angeline ng twist ang in na in ngayong Asoka Challenge sa pamamagitan ng “Piliin Mo Ang Pilipinas” trend na patok na patok ngayon sa TikTok.

“Magpapahuli pa ba ako?” ang caption na inilagay ng Queen of Teleserye Theme Songs sa kanyang video habang kumakanta.

Sa isang bahagi ng video, mapapanood din ang pag-apir ng asawa niyang si Nonrev at anak nilang si Sylvio. At kasunod nga nito ang kanilang announcement about their baby number 2!

Baka Bet Mo: Angeline Quinto ikakasal na kay Nonrev, buntis sa baby no. 2?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagkatapos ibandera ang kanyang  Filipiniana OOTD, ipinakita nga ni Angeline ang lumolobo niyang baby bump. Kasabay nito ang pagpapakita sa  isang naka-hang na palayok.

Ang classic Pinoy palaro na “Hampas-Palayok” ang naisip nina Angeline na gawing theme ng kanilang gender reveal.

Naka-blindfold na hinampas ng singer ang palayok at nang mabasag nga ito ay umulan nga ng pink confetti. Sigaw ni Angeline, “It’s a girl!”

Kamakailan lamang ay ikinasal sina Angeline at Nonrev sa Quiapo Church na dinaluhan ng mga big stars sa showbiz. Naging part ng entourage sina Vice Ganda, Sarah Geronimo at Erik Santos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Salamat dahil sinamahan mo akong matupad ang isa sa mga pangarap namin ni mama Bob – ang magkaroon ako ng sariling pamilya.

“Babe nandito na tayo wala ng atrasan ‘to. But seriously babe, thank you. Dito sa lugar na ito sa simbahan ito ako humiling sa mahal ng Poong Nazareno na ibigay niya sa akin ang lalaking makakasama ko habang buhay.

“After four years nandito tayo ngayon, ikaw ang panghabang buhay ko. Mahal na mahal kita,” ang mensahe ni Angeline kay Nonrev.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending