Michael V: Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita ‘binoto
ISANG tula ang inalay ni Michael V o mas kilala ng tao bilang si Bitoy upang Ipahayag ang kanyang pagtanggap sa resulta ng naganap na eleksyon noong Lunes, Mayo 9.
Sa kanyang Instagram account ay maluwag na niyang tinatanggap na kulay pula, campaign color ng presidential frontrunner na si Bongbong Marcos ang nagwagi base na rin sa inilabas na partial at unofficial results na inilabas ng Comelec.
“Kulay PULA ang nanalo. Oo, tanggap ko na ito.
Kahit PINK ang dugo ko mananaig ang RESPETO.
Lahat kayo na bumoto at nagluklok sa kanya sa trono
Kayo ang boses ng Pilipino kaya mananahimik na ‘ko,” pagsisimula ni Michael V.
Base sa kanyang tula, wala naman siyang ambisyon na pasukin ang mundo ng politika at ang tanging sandala lang na pinanghahawakan niya ay ang tulang kanyang nilikha.
“Hindi politiko kundi hamak na artista.
Larawan at tula; ‘yan lang ang hawak kong sandata.
Wala akong ambisyon na mamulitika.
Baka manalo lang ako, hala, naloko na!” pagpapatuloy ni Michael V.
Para sa kanya, hanggang pagpapasaya ng tao lamang ang kanyang hangad at wala nang higit pa roon dahil kung susubukan niyang tumakbo at manalo, ay hindi na niya alam.
View this post on Instagram
“‘Comedy at entertainment’ hanggang do’n lang ang ambisyon.
Hindi ‘puwesto sa gobyerno’ kundi ‘time slot sa telebisyon’.
Ito ang mundo ko sa mahigit tatlumpung taon
At wala ‘kong dahilan na baguhin ‘yon ngayon.
Pag-amin ni Michael V, susundin pa rin niya ang gobyerno kahit hindi ito ang binoto nito.
“Lahat ng may gusto nito, ito mismo ang makukuha n’yo.
Pero hindi ako bulag at dalawa ang mata ko:
Isang mata sa bayan at isang mata sa ‘yo.
Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita ‘binoto.
“Sige na, move on na. ‘Wag nang maghanap ng butas.
Ang trabaho n’yong naiwan naghihintay pa rin ‘yan bukas.
Ngayon alam na natin kung sino lang ang malakas,
Mabuhay ang bagong Pangulo ng Pilipinas.”
Related Chika:
Bitoy, kasambahay nabiktima ng online scammer: Kapag hindi n’yo in-order, just say no!
Bitoy sa mga ayaw magpabakuna: Ang COVID vaccine ay hindi perpekto, pero epektibo
Xian super fan ni Bitoy; natulala nang makita ang tropa ng ‘Bubble Gang’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.