Bitoy, kasambahay nabiktima ng online scammer: Kapag hindi n'yo in-order, just say no! | Bandera

Bitoy, kasambahay nabiktima ng online scammer: Kapag hindi n’yo in-order, just say no!

Ervin Santiago - October 18, 2021 - 07:00 PM

Michael V

NABIKTIMA ang Kapuso comedy genius na si Michael V. ng scam o isang uri ng panloloko sa online selling kamakailan.

Ibinandera ni Bitoy ang nangyari sa kanya nang malaman ang tungkol sa isang gadget na idineliver sa kanilang bahay mula sa isang online store.

Gumawa pa ng video ang komedyante at TV host at ipinost sa Instagram para bigyang babala ang publiko tungkol sa nadiskubre niyang modus ng ilang bogus na online sellers.

Ani Bitoy, naniniwala siya na hindi na bago ang mga ganitong modus ng mga sindikato sa online selling pero sigurado siyang marami pa rin ang hindi aware tungkol dito kaya naman nagdesisyon siyang ipaalam na rin ito sa kanyang social media followers.

Sey ng Kapuso comedian, ang dumating na item sa bahay nila ay isang selfie stick na nagkakahalaga lamang ng P500 o mas mura pa pero ang siningil sa kanilang kasambahay na siyang tumanggap nito (via cash on delivery o COD) ay P2,550. 

“Hi guys! I just wanna let you know na may na-discover akong scam ng mga online seller,” simulang paglalantad ni Michael V sa nadiskubre niyang modus.

Ipinakita pa niya ang nasabing item sa video sabay sabing, “Yung nakalagay sa resibo is selfie stick. Nu’ng idineliver to, siningil mga kasambahay ko ng COD P2,500.” 

Sey ng “Bubble Gang” star, madalas daw kapag umo-order siya ng mga items online ay credit card ang ginagamit niya.

“Kapag nagsi-COD ako, madalas, ibinibilin ko sa mga kasambahay na ‘may padating dyan na delivery na ano yan COD,’ so nag-iiwan na ako ng pera na pambayad,” sabi pa ni Bitoy.

View this post on Instagram

A post shared by Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy)


Sinabi naman ng Kapuso comedian na hindi niya nilalahat ang mga online sellers pero napakarami na talagang mga taong talagang negosyo na nila ang manloko ng kapwa para lang kumita.

Sa huli, nagbigay din ng payo si Bitoy sa mga online shoppers na mas maging maingat at mapagmatyag ngayon para hindi mabiktima ng scammers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sa mga mahilig mamili online, be vigilant. Abangan niyo ‘yung mga scam na kagaya into. Kapag hindi niyo inorder, just say no,” paalala pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending