Xian super fan ni Bitoy; natulala nang makita ang tropa ng 'Bubble Gang' Bandera

Xian super fan ni Bitoy; natulala nang makita ang tropa ng ‘Bubble Gang’

Ervin Santiago |September 02,2021
share this

Xian super fan ni Bitoy; natulala nang makita ang tropa ng ‘Bubble Gang’

Ervin Santiago September 02, 2021 - 08:58 AM

Michael V at Xian Lim

“RITWAL” na para sa actor-director na si Xian Lim ang panonood tuwing Biyernes ng longest-running gag show sa bansa, ang “Bubble Gang” ng GMA 7.

Kaya naman isa sa mga wish niya ngayong isa na siyang Kapuso ay ang makapag-guest sana sa “Bubble Gang” na pinagbibidahan ni Michael V..

Kuwento ni Xian sa online interview with the press nitong nagdaang Martes, bata lang siya ay super fan na siya ng nasabing programa.

“Ako tsaka yung mga cousins ko, it’s our ritual na to watch ‘Bubble Gang. They shaped our childhood na tawa lang kami nang tawa. Sila yung mga nagpasaya sa amin nung times na ayaw namin gawin yung homework namin,” kuwento ng binata.

At kapag daw bigla siyang tinawagan at imbitahan para mag-guest sa “Bubble Gang”, baka raw hindi niya mapakalma ang kanyang sarili sa sobrang tuwa at excitement.

“Hindi ako makakatulog if nabigyan ako ng pagkakataon doon,” ani Xian sabay sabing isa rin siya sa mga super fans ni Michael V na itinuturing ngayong comedy genius ng Kapuso network.

“I’m a huge fan of Bitoy. Naalala ko in one event, nakita ko sila and wala akong nasabi. Na-fan mode ako. Everyone else na bumubuo ng ‘Bubble Gang,’ I’m a huge fan,” sey ng bagong Kapuso star.

Naghahanda na ngayon si Xian para sa unang lock-in taping ng first project niya sa GMA, ang “Love, Die, Repeat” kung saan makakatambal niya si Jennylyn Mercado.

Bukod sa pag-arte, sana raw ay mabigyan siya ng pagkakataon sa GMA na makapagdirek at makagawa ng ilang proyektong maipagmamalaki niya sa buong mundo.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending