Alessandra de Rossi sa netizen na nagsabing ‘pinakapangit’ ang movie niya kasama si JM de Guzman: Patawarin mo ako?
SA kabila ng pagiging number 1 ng pelikula nina Alessandra de Rossi at JM de Guzman na “What If?” sa Netflix sa Pilipinas, hindi pa rin maiiwasan na may mga pumuna at magbigay ng negatibong komento ukol rito.
Noong Martes, September 12, isang netizen na may username na @jean_jardi ang nag-tweet ukol sa naturang pelikula.
“What If pinakapanget na movie ni @msderossi Sorry I like you Alex [Alessandra] but this is such a snoozefest. Maganda location pero wala chemistry, pakapanget ng storyline,” saad ng netizen.
Nakita naman ito ng aktres at sinagot ang naturang tweet ng netizen.
“Patawarin mo ako? Sorry na. Tulog na,” reply ni Alessandra.
Ngunit taliwas sa sinabi ng naturang netizen, marami sa mga netizens ang pumuri sa kanilang movie.
“Nako pag walang mukha sa social media wag na pinapansin. My mom liked the movie very realistic daw yung take sa married couples,” saad ng isang netizen.
Puri naman ng isa sa pelikula ni Alessandra, “it’s a good movie, napanood namin ng wife ko. Maraming makaka relate na mga mag asawa.”
“Number 1 movie sa Pilipinas for a reason! Mabigat sa dibdib yung nangyari pero at the same time, nakakagising. Wala na akong “what if” eh, marami akong ‘why?’ Pero ang sagot naman sa lahat, ‘mahal mo eh’ @msderossi,” sey naman ng isa.
May ilan rin namang netizens ang may mga komento ukol sa pelikula nina JM at Alessandra pero nagandahan pa rin sa pelikula.
Sa kabila naman ng mga chika ng mga netizens ukol sa pelikula ay muli namang napatunayan ng dalawa ang galing nila sa pag-arte lalo na’t nananatiling number 1 sa Pilipinas ang kanilang movie.
Patuloy pa ring mapapanood sa online streaming platform na Netflix na “What If?” na pinagbibidahan nina Alessandra at JM.
Related Chika:
Alessandra de Rossi gusto nang humanap ng ibang trabaho; Juancho, Joyce kinakarir ang ‘birthing class’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.