Alessandra napagod, nandiri sa school kaya tumigil sa pag-aaral: Sabi ko sa nanay ko, gusto ko na lang mag-artista Bandera

Alessandra napagod, nandiri sa school kaya tumigil sa pag-aaral: Sabi ko sa nanay ko, gusto ko na lang mag-artista

Ervin Santiago |September 19,2022
share this

Alessandra napagod, nandiri sa school kaya tumigil sa pag-aaral: Sabi ko sa nanay ko, gusto ko na lang mag-artista

Ervin Santiago - September 19, 2022 - 09:38 AM

JM de Guzman, Alessandra de Rossi at Manny Palo

TOTOONG mas pinili ng award-winning actress na si Alessandra de Rossi ang mag-artista kesa tapusin ang kanyang pag-aaral at makakuha ng college diploma.

Ibinahagi ni Alessandra ang tungkol dito sa pakikipagchikahan niya sa kaibigang si Camille Prats na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Sabi ng sisteraka ni Assunta de Rossi, ang tunay na dahilan daw kung bakit siya tumigil sa pag-aaral ay para mag-concentrate na lamang sa pag-aartista.

Inamin ng premyadong aktres na siya talaga mismo ang umayaw sa pag-aaral at nagpumilit sa kanyang ina na karirin na lang ang pagso-showbiz.

“Noong nandiri ako sa school. Ayoko na mag-aral. ‘Mama, ayoko na mag-aral. Gusto ko na lang mag-artista,’” pahayag ni Alessandra.

Iniyakan daw talaga ito ng kanyang nanay at nagsumamong tapusin muna ang pag-aaral at maka-graduate sa college. Pero buo na raw ang desisyon niya na hindi na pumasok sa school.

“Kasi nga ayoko nang mag-aral, ‘yun talaga yung totoong reason. Napagod ako. Ayoko nito. ‘Mommy, gagawin ko ang lahat,’” pahayag pa ni Alex.


Natatandaan pa raw niya nang sabihin sa kanya ng ina na darating ang araw na pagsisisihan niya ang pagtigil sa pag-aaral at totoo naman daw ang tinuran ng nanay niya.

Na-realize raw niya ang kahalagahan ng edukasyon noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung saan nawalan siya ng trabaho at pagkakakitaan.

“True enough may ganu’ng pagsisisi. Sometimes lalo na nu’ng pandemic yung mare-realize mo totoo yata yung sinasabi na get a real job kasi hindi pang frontliner yung trabaho ko,” sabi ni Alex.


Sinubukan naman daw niyang maghanap ng online courses para kahit paano’y may ginagawa siyang productive habang may pandemya pero hindi siya makapagdesisyon sa dami ng pwede niyang pag-aralan.

“Sabi ko Google na lang natin yung how to be beautiful because when you’re pretty the world is nicer to you,” natatawang biro ng aktres.

Inaasahan ni Alessandra na magiging busy uli siya sa showbiz sa mga susunod na buwan dahil nagdesisyon na siyang tumanggap muli ng acting projects.

Makakasama uli niya si JM de Guzman sa isang proyekto na ididirek ni Manny Palo. Una silang nagkatrabaho noong 2019 nang gawin nila ang pelikulang “Lucid.”

Alessandra de Rossi may isang bagay na sobrang kinatatakutan

Payo kay Angeline: Kumanta na lang, huwag nang mag-artista!

Alessandra gusto nang humanap ng ibang trabaho; Juancho, Joyce kinakarir ang ‘birthing class’

Kaye Abad kumikita lang ng P800 noon kada taping; nagbigay ng tips sa mga gustong mag-artista

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending