LGBTQ movie na ‘Broken Hearts Trip’ nina Christian, Jaclyn, Petite at Iyah Mina may karapatang makapasok sa 2023 MMFF: ‘Bigyan n’yo naman ng chance’
IN FAIRNESS, talagang ginastusan at mukhang hindi tinipid ang entry ng BMC Films at Smart Films sa 49th Metro Manila Film Festival na “Broken Hearts Trip.”
Isa sa patunay na may budget ang naturang pelikula ay ang pagsu-shooting ng buong production sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas tulad ng Cebu, Ilocos Norte, Laguna at Batangas.
Plus the fact na magagaling at bigatin din ang cast ng movie tulad nina Christian Bables, Jaclyn Jose, Teejay Marquez, Marvin Yap, Petite, Iyah Mina, at ang actor-director na si Andoy Ranay.
Sa naganap na presscon ng “Broken Hearts Trip” last Saturday, November 4, natanong ang direktor ng pelikula na si Lemuel Lorca tungkol sa pagpasok ng kanilang comedy movie sa MMFF 2023 na ikinagbigla ng marami.
Inamin ni Direk Lem, na kahit sila ay nagulat din pero ipinagtanggol niya ang kanilang pelikula sa chikang malakas umano ang kanilang producers kaya napili sila sa MMFF.
Pahayag ni Direk Lem, “Parang ayoko naman i-discredit yung nagawa na trabaho ng mga tao, yung nagawa ng mga artista, mga writers natin from the original concept ni Lex Bonife and Archie del Mundo. Parang ayokong i-discredit to even acknowledge that kind of rumor.
Baka Bet Mo: Fashionistang teacher winner ang pa-food trip sa mga estudyante tuwing Biyernes, rumaraket para sa extra budget
“So, I believe na nakapasok siya because of the merits of the film. Mahuhusay yung mga artista ko. They have the track record, especially si Christian nga every year nananalo… sa magandang track records niya sa MMFF.
“Ang writer namin just won sa Venezuela ng writing for Siglo sa last movie namin. So, I have to give credit to the people behind the camera and nasa harapan ng camera na… I think we’ve given more than 100 percent of our time and talent here na feeling ko, deserve nilang makapasok sa MMFF. Dapat panoorin para ma-justify,” paliwanag ng filmmaker.
Aniya pa, “So far naman, after we released the trailer, we got nothing but positive feedback dun sa trailer. It’s a fun film and people should be given a chance na makita nila.
“Sabi nga ni Direk Andoy, hindi siya malaking artista, pero ganu’n din ang mga pelikula ng CInemalaya, QCinema, CineFilipino which I am proud to be part of in the past, na maliliit na pelikula kung tawagin sa industriya, pero sila yung nagbibigay ng karangalan sa bansa.
“Bigyan n’yo naman ng chance na maka-experience din kami ng mainstream na maibahagi namin sa mas maraming audience ang aming pinaghirapan,” ang dagdag na pahayag ni Direk Lem.
Ipinagmalaki rin ni Direk at ng cast members na kinunan ang kabuuan ng pelikula sa iba’t ibang bahagi ng ang Kawasan Falls sa Cebu, Pagudpud sa Ilocos Norte, sa Mt. Banahaw, mga beach sa Lobo, Batangas at ang white water river rafting attraction sa Magdalena, Laguna.
“Ang masasabi ko lang, napakahirap pala mag-shoot ng ganitong travel. Buti na lang magagaling ang mga producers namin, from our line producer, supervising producer, production manager, financiers namin, yung mga producers namin.
“Sila dapat talaga ang mabigyan ng credit dito, e. Kasi, sila yung nagkasa ng shooting na ito.
“So, I have to give them the credit para mabigyan ng tamang budget… yung experience namin. Parang as if hindi kami namroblema kasi sila yung pumasan ng lahat na problema.
“Magagaling yung mga producers namin magtipid. Magaling silang mag-budget. Hindi naman kami ginutom ng mga producers namin. Nabigyan kami ng sapat na talent fee.
“Hindi kami ginutom. Masaya kaming nag-shoot nito. So, I have to give them the credit,” ang pahayag pa ni Direk Lem.
Baka Bet Mo: Maxene tinawag na ‘one of the best trips of my life’ ang pagrampa sa Baguio; nilabanan ang mga ‘takot’
Samantala, natanong din si Christian kung ano naman ang kaibahan ng gay role niya sa “Broken Hearts Trip” sa mga past gay roles na nagawa niya.
“May kaibahan po. As much as possible, with the help na rin po ng mga directors na nakatrabaho ko, talagang sinu-sort out namin, ano yung hibla na iba dito sa character na ito.
“Kasi yung nagampanan ko po before, leaning towards the LGBT community character.
“So ayun po, mahalaga talaga na meron akong open communication with my directors, kung papaano ko ihihingi ng tulong. Kasi minsan, meron akong hindi nakikita as an actor na nakikita nung director ko,” kuwento ni Christian.
Iikot ang kuwento ng “Broken Hearts Trip” sa isang reality show kung saan maglalaban-laban ang limang brokenhearted members ng LGBTQIA+ community. Magiging “Judgers” sa competition sina Christian, Tart Carlos at Jaclyn Jose.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.