Piolo Pascual first time bumida sa horror film, netizens abangers sa pasilip ng ‘Mallari’: ‘Interesting!!’
ANG daming curious sa teaser poster ng horror movie na “Mallari” ng heartthrob actor na si Piolo Pascual na hoping na mapasama sa 2023 Metro Manila Film Festival dahil walang ipinakitang mukha at madilim ang kuha.
Base sa mga nababasa naming komento sa showbiz website ay interested sila sa pelikula ni Papa P at kung ano ang kuwento nito kahit pa nabasa na nilang inspired by true events ng Filipino priest na si Father Juan Severino Mallari mula sa Pampanga.
Ang hinihintay na lang ay ang official trailer ng “Mallari” na base rin sa posts ng Mentorque Facebook page ay may pa-countdown na nagsimula sa 48 hours, 24 hours, 12 hours at habang sinusulat namin ang balitang ito ay may natitirang 4 hours na lang at mapapanood na.
Naglabas na kasi ng trailer ang “K (Ampon)” na official entry ng Quantum Films sa 2023 MMFF.
Baka Bet Mo: Piolo pinangarap maging pari sa edad na 18; sasabak sa matinding challenge bilang serial killer sa ‘Mallari’
Samantalang ang mga hopeful films na mapasama rin sa festival ay ang “Nocturno” ng Viva Films at “Shake, Rattle & Roll” mula sa Regal Films.
Kaya maraming nag-aabang sa “Mallari” ni Piolo kung paano naman siya manggulat sa lahat.
Base sa mga nabasa naming komento mula sa showbiz website ay ang mga sumusunod:
“Ang dilim. Horror ba?”
“Yes, horror-suspense-thriller. It’s about the first Filipino serial killer.”
“Nakalagay po sa caption ng screen cap. Ehe he…”
“First Filipino serial killer na priest.”
”Interesting!!!”
”Janella Salvador is like Kris Aquino. Both of them are really convincing and effective horror movie queens.”
”Mejo napailing ako! I like it kashokot!
”Kashokot.”
“Looking forward to it.”
Ang “Mallari” ay mula sa panulat ni Enrico C. Santos at idinirek ni Derick Cabrido produced ni Bryan Dy ng Mentorque Production.
Related Chika:
Paolo Gumabao feeling lucky nang mapasama sa Darna: Pero napakalaking responsibilidad din sa akin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.