Piolo pinangarap maging pari sa edad na 18; sasabak sa matinding challenge bilang serial killer sa ‘Mallari’
PINANGARAP palang maging pari ng Kapamilya star at Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual noong teenager siya.
Rebelasyon ng aktor at movie producer, 18 years old pa lang siya ay gusto na niyang maging seminarista. Sa katunayan, nag-attend na siya ng seminar para rito.
“I wanted to be a priest, I was I think, 18, I attended the seminar,” ang pag-amin ni Papa P sa presscon at ceremonial contract signing para sa bago niyang pelikula, ang suspense-horror na “Mallari” mula sa Mentorque Productions na pag-aari ni John Bryan Diamante.
Kuwento pa ng premyadong aktor, “I remember, I had a conversation with a priest and I told him, gusto ko sanang magpari na lang para mas madali ang buhay. And then he said, ‘you have to be a college graduate first.”
View this post on Instagram
Dagdag na pahayag pa ni Piolo, noong maging Christian naman siya ay nais naman niyang maging pastor.
“I told my Pastor the same thing, ‘Pwede bang magpastor na lang ako para mas madali rin ang buhay.’ Sabi niya, ‘no, we need people like you in the business,’” ang sagot daw sa kanya ng kausap na pastor.
Pero feeling nga ni Papa P hindi para sa kanya ang priesthood kaya ipinagpatuloy na lamang niya ang pag-aartista at ngayon ay nagpo-produce na rin siya.
Sa naturang mediacon, inamin ni Piolo na kakaibang challenge na naman ang haharapin niya sa pagganap bilang si Fr. Severino Mallari, ang paring naging serial killer noong 1840 at pumatay ng 57 katao sa Pampanga.
Ito ang kauna-unahang pagsasapelikula sa buhay ni Fr. Mallari at ito rin ang unang pagkakataon na gaganap na serial killer si Piolo.
Tatlong karakter din ang gagampanan niya sa pelikula kaya triple rin ang gagawing pagpapahirap sa kanya ng produksyon sa pangunguna ng kanilang direktor na si Derick Cabrido.
Samantala, natanong din si Piolo kung bakit nabago na ang desisyon niyang mag-quit muna sa pag-arte at mag-focus na lang sa pagiging producer.
Sinabi niya sa isang panayam na hindi na siya tatanggap ng teleserye pero ginawa naman niya ang “Flower of Evil” at katatapos lang ng pinagbidahan niyang musical play na “Ibarra.”
Natawang sagot ni Papa P, “Actually bukas may pitching ako ng soap, so magso-soap pa ako!
View this post on Instagram
“Hindi ko rin po alam, eh. Masarap, eh. Masarap mag trabaho, eh, you know. ‘Yun siguro ang idinulot ng pandemic sa akin.
“I got so bored doing nothing at home, so sabi ko, after the pandemic, I started accepting everything that came in my way and why not, you know?” katwiran ng aktor.
Dugtong ni Piolo, “While you’re still in your prime, while you still have the chance to do this kind of projects.”
“And I’m a sucker for good stories, I’m a sucker for good characters, and I always take one day at a time. So, now after my last show in Ibarra, dito naman tayo sa ‘Mallari,’ so ang lakas lang maka-bipolar. Ha-hahaha! Pero character lang naman, hindi ko naman inuuwi. Trabaho lang,” paliwanag pa niya.
Anytime soon ay magsisimula na ang shooting ng “Mallari” at plano itong isali ng Mentorque Productions sa Metro Manila Film Festival 2023 sa darating na December.
Kasunod nito, ibabandera naman ng produksyon kung sinu-sino ang makakasama ni Piolo sa “Mallari.”
Piolo Pascual gaganap na paring serial killer sa horror-drama movie na ‘Mallari’
Bea: Hindi ko pinangarap maging beauty queen…pinakaayaw ko yung nagpa-fashion show
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.