Bea: Hindi ko pinangarap maging beauty queen...pinakaayaw ko yung nagpa-fashion show | Bandera

Bea: Hindi ko pinangarap maging beauty queen…pinakaayaw ko yung nagpa-fashion show

Ervin Santiago |October 05,2021
facebook
share this

Bea: Hindi ko pinangarap maging beauty queen…pinakaayaw ko yung nagpa-fashion show

Ervin Santiago - October 05, 2021 - 10:37 AM

Zeinab Harake at Bea Alonzo

INALALA ng bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo at ng internet sensation na si Zeinab Harake ang pagiging kontesera nila noon sa mga beauty pageant.

Nagkasama ang dalawa sa bagong vlog ng award-winning actress sa YouTube na may titulong “I Want To Get To Know You from A to Z”.

Simulang kuwento ni Bea, pareho silang mahilig sumali ni Zeinab sa mga beaucon (beauty contest). Isa sa mga hindi niya malilimutang karanasan ay ang pag-join niya sa “Binibining Santolan” sa Pasig City.

Nang dahil daw kasi sa nasabing pageant ay na-discover siya ng isang talent scout na siyang naging daan para mapasok sa mundo ng showbiz. 

Pero nilinaw agad ni Bea na hindi raw talaga niya pinangarap ang maging beauty queen. Ang kanyang lola lang daw ang pumipilit sa kanya na sumali sa mga beauty pageant.

“Pero ako hindi ko pinangarap maging beauty queen. Pangarap ‘yun ng lola ko for me. Gusto ko talagang maging artista.

“Pinakaayaw ko na nagpa-fashion show. Ayoko nang naglalakad ako tapos tinitingnan ako ng mga tao,” pahayag pa ng dalaga.

Samantala, naikuwento naman ni Zeinab na bago mapasabak sa mundo ng vlogging, nag-join din siya sa beauty contest sa Parañaque at Bacoor Cavite.

“Nag-Binibining Parañaque ako, nag-Miss Kalikasan ako sa Bacoor, mga small pageants lang, mga nagmo-model ako, mga runway,” chika ni Zeinab. 

Aniya pa, “Pinangarap ko naman siya (maging beauty queen), pero parang ayaw ng utak ko. Sabi ng utak ko huwag na. Maging totoo tayo sa sarili natin. Iba-iba lang talaga na kung saan ka bagay.”

Sumang-ayon naman si Bea sa YouTube star at sinabing walang masama sa pagta-try sa mga bagay-bagay sa mundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit kapag na-feel mo na hindi ito para sa iyo at kung hindi ka masaya, maghanap uli ng bagong pagkakaabalahan hanggang sa mahanap ang totoong magpapasaya sa yo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending