Dyowa ni Nadine hindi mahilig sa horror movie: Pero tatapangan daw niya ang sarili niya para mapanood ang 'Deleter' | Bandera

Dyowa ni Nadine hindi mahilig sa horror movie: Pero tatapangan daw niya ang sarili niya para mapanood ang ‘Deleter’

Ervin Santiago - December 12, 2022 - 06:50 AM

Dyowa ni Nadine hindi mahilig sa horror movie: Pero tatapangan daw niya ang sarili niya para mapanood ang 'Deleter'

Nadine Lustre at Christophe Bariou

TATAPANGAN daw ng boyfriend ni Nadine Lustre na si Christophe Bariou ang kanyang sarili para mapanood ang suspense-horror movie na “Deleter.”

Kuwento ni Nadine, hindi raw kasi mahilig ang kanyang dyowang foreigner sa mga horror movies pero dahil daw sa kanya ay pipilitin nitong pumasok sa sinehan para suportahan ang entry niya sa Metro Manila Film Festival 2022 kasama sina Louise delos Reyes at McCoy de Leon.

Sey ni Nadine, “Excited siya, pero hindi kasi siya mahilig sa horror movies. Pero sabi niya, manonood daw siya for me.”

Dagdag pang chika ng dalaga, “Sa tingin ko, matatakot siya. Medyo ano, kapag gusto kong manood ng horror movies, ayaw niya. Kaya alam kong ayaw niya talaga.

“Pero, tatapangan daw niya ang sarili niya para mapanood niya sa sinehan. Iba rin kasi kapag sa sinehan mo pa mapapanood ang horror movies kesa sa TV lang.

“Iba sa pakiramdam kasi ang audio, surround sound. Iba po kasi ang pakiramdam kapag sa sinehan, so I’m sure, matatakot siya,” natatawa pang sey ni Nadine.

Si Christophe ay isang half-Filipino, half-French na may pag-aaring property sa isla ng Siargao. Doon niya nakilala si Nadine hanggang sa maging magdyowa na sila nito lang 2022.

Samantala, tungkol naman sa pagse-celebrate ni Nadine ng Pasko ngayong taon,  “Ako po, ever since naman, gusto ko na yung pag-celebrate ng Pasko, simple lang.

“Yung sama-sama lang po. Pero I think, this year nga po, dahil yung Deleter ay ipapalabas sa mga sinehan, makikinood din po kami,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)


“I think, sa December 25, merong cinema tours. So, makiki-celebrate po kami sa lahat ng manonood ng Deleter. Gusto ko rin pong panoorin ang ibang entries sa MMFF kasi na-miss ko rin po talaga,” pahayag pa ng award-winning actress.

Siniguro rin niya na sasama siya sa gaganaping MMFF 2022 Parade of Stars sa December 21, 4 p.m. na magsisimula sa Welcome Rotonda at magtatapos sa Quezon Memorial Circle.

“Ako po, sobrang excited po ako dahil yung first time kong makasakay ng float, sa Beauty and the Bestie pa a couple of years pa, sobrang na-enjoy ko siya. Of course, I will be there,” anang aktres na ang tinutukoy na “Beauty and the Bestie” ay ang MMFF 2015 entry na pinagbidahan nina Vice Ganda at Coco Martin.

Dugtong pang chika ng aktrs, “I mean, mainit, nakakapagod, pero iba rin kasi yung nakita mo silang lahat.

“Especially now na nag-o-open-up na rin tayo. Yung mga tao, lalabas na rin ulit after a long time. Excited akong makita ang mga tao. So definitely, I’ll be there,” sabi pa ni Nadine.

Nanay ni Jane de Leon biglang napaiyak nang mapanood na ang anak na naka-Darna costume

Anu-ano ang unang ginawa ni McCoy nang malamang makakatrabaho niya si Nadine sa ‘Deleter’?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Herbert Baustista may patama kay Kris; Mel Sarmiento ‘di napigilang magsalita

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending