Herbert Baustista may patama kay Kris; Mel Sarmiento 'di napigilang magsalita | Bandera

Herbert Baustista may patama kay Kris; Mel Sarmiento ‘di napigilang magsalita

Therese Arceo - November 20, 2021 - 11:59 AM

Herbert Baustista may patama kay Kris; Mel Sarmiento 'di napigilang magsalita

USAP-USAPAN ngayon ang deleted Twitter post ng aktor at senatorial aspirant na si Herbert Bautista noong Huwebes, Nobyembre 18.

Ito ay patungkol sa dapat sana’y pagpo-propose niya ngunit bago pa man ito mangyari ay may napili na raw na iba ang babae.

“Mr. President Ping @iampinglacson, na-inspire din tuloy akong mag-propose. Kaso, sayang… may napili na po sya. #TOTGA #KungMaibabalikKoLang,” tweet ni Herbert.

Hindi man diretsahang sinabi ni Herbert kung sino ang kanyang tinutukoy ay gets naman na agad ng madlang pipol na ang Queen of All Media na si Kris Aquino ang pinatutungkulan nito na kanyang “TOTGA” o “The One That Got Away”.

Kaya naman nagsalita ang fiancé ni Kris na si former Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sarmiento na hindi napigilang kumprontahin si Herbert.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

Ayon kay Mel, hindi tama na pag-usapan sa publiko ang kanyang nakaraang relasyon.

“Although Mayor Herbert Bautista has already taken down his post which obviously referred to Kris, I just wish that this would serve as a reminder that talking about past flames in public is improper and ungentlemanlike.

“As a former public servant now seeking a seat in the Senate, he should know better than dragging other people to get public attention,” saad ni Mel.

Aniya, hindi naman showbiz ang senado at mas maigi kung ang sasabihin ni Herbert ay ang kanyang credentials lalo na at tatakbo siya sa darating na 2022 elections.

“Hindi po showbiz ang Senado. People would appreciate it more if he would talk about his credentials to woo our people’s votes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mas magandang accomplishments niya bilang public servant ang ilahad niya sa publiko sa halip na ang mga nakalipas niyang karelasyon,” dagdag pa ni Mel.

Agad namang humingi ng patawad si Herbert sa ginawang tweet.

Related Chika:
Bistek tatakbong senador sa 2022; Direk Mae Cruz may promise sa KathNiel fans

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending