Anu-ano ang unang ginawa ni McCoy nang malamang makakatrabaho niya si Nadine sa 'Deleter'? | Bandera

Anu-ano ang unang ginawa ni McCoy nang malamang makakatrabaho niya si Nadine sa ‘Deleter’?

Ervin Santiago |July 14,2022
facebook
share this

Anu-ano ang unang ginawa ni McCoy nang malamang makakatrabaho niya si Nadine sa ‘Deleter’?

Ervin Santiago - July 14, 2022 - 07:47 AM

McCoy de Leon, Mikhail Red, Nadine Lustre at Louise delos Reyes

NGAYON pa lang ay todo na ang paghahandang ginagawa ni McCoy de Leon para sa bago niyang pelikula sa Viva Films, ang “Deleter.”

Super excited na raw si McCoy para sa nasabing proyekto dahil first time niyang makakasama sa isang movie si Nadine Lustre at si Louise delos Reyes.

Looking forward din daw siyang makatrabaho ang direktor na si Mikhail Red para sa psychological thriller na “Deleter” mula sa Viva Films.

Kuwento ni McCoy sa ginanap na presscon ng pelikula nitong nagdaang Lunes, July 11, nakasama na niya noon sa “It’s Showtime” si Nadine pero ito nga ang unang pagkakataon na magkakasama sila sa isang pelikula.

“Nalaman kong makaka-work ko siya at mayroon kaming role na talagang connected kami, tinitingnan ko na ‘yung mga pictures niya para kapag nakita ko siya sa personal, hindi ako mabigla. Kasi baka mabigla ako, hindi ako makaarte,” natatawang chika ni McCoy sa naganap na story conference.

Magsisimula na ang shooting nina McCoy, Nadine at Louise para sa “Deleter” sa darating na August kaya naman kanya-kanya na sila ng preparasyon sa gagampanan nilang mga karakter.

Iikot ang kuwento ng “Deleter” sa isang “shadowy online content moderation office” kung saan ang pinakatrabaho ng mga empleyado ay ang pag-filter ng mga graphic uploads bago ma-post sa social media platforms.

View this post on Instagram

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)


Nadine plays Lyra, a seemingly cold and unattached person who looks perfect for the job as she doesn’t seem to be affected by the disturbing imagery of the videos that she screens everyday.

Magiging complicated ang sitwasyon niya nang may mangyari sa co-worker at friend niyang si Aileen (Louise) matapos mapanood ang isang video na ipinadala sa kanya.

Gagampanan naman ni McCoy ang karakter ni Jace na siyang maghahatid ng katatawanan sa gitna ng mga nangyayaring kababalaghan at katatakutan sa istorya.

Samantala, nakatrabaho na ni McCoy si direk Mikhail sa pelikulang “Block Z” kaya nang i-offer sa kanya ang “Deleter” ay tinanggap niya agad.

“Nu’ng pini-pitch sa akin ‘yung istorya, kung may question ako, sabi ko ‘wala akong question, gusto ko pong gawin.’ Kasi, nakatrabaho ko na si direk, quality and parang masasabi ko na unique rin ang mga proyekto niya.

“Kaya nu’ng nalaman kong isinama ako ni direk, kahit na extra, gusto ko, eh,” ani McCoy.

https://bandera.inquirer.net/313390/mccoy-umaming-planong-layasan-ang-pinas-kasama-si-elisse-lagi-ko-siyang-gustong-itakas-sa-ibang-bansa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294179/nadine-trending-dahil-sa-biniling-motor-ig-highlights-kasama-si-james-deleted-na
https://bandera.inquirer.net/313390/mccoy-umaming-planong-layasan-ang-pinas-kasama-si-elisse-lagi-ko-siyang-gustong-itakas-sa-ibang-bansa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending