Nanay ni Jane de Leon biglang napaiyak nang mapanood na ang anak na naka-Darna costume | Bandera

Nanay ni Jane de Leon biglang napaiyak nang mapanood na ang anak na naka-Darna costume

Ervin Santiago |August 21,2022
facebook
share this

Nanay ni Jane de Leon biglang napaiyak nang mapanood na ang anak na naka-Darna costume

Ervin Santiago - August 21, 2022 - 08:14 AM

Jane de Leon

NAPALUHA ang nanay ni Jane de Leon nang makita at mapanood ang kauna-unahang transformation ng anak bilang bagong Darna.

Hindi napigilan ng ina ng dalaga ang maging emosyonal habang pinanonood ang episose ng “Mars Ravelo’s Darna” nitong nagdaang Biyernes, August 19, sa ABS-CBN.

Mismong si Jane ang nag-share ng video sa kanyang social media account kung saan makikita ngang napaiyak ang kanyang nanay nang ipakita na siya suot ang napakabonggang Darna costume.

Sabi niya sa caption, “My family after seeing me as Darna for the first time. I love you mama! Para sa inyo to ni papa and kuya!”

Habang mangiyak-ngiyak ang kanyang nanay, nilapitan niya ito at niyakap. Siguradong ramdam na ramdam ng Kapamilya actress na super proud sa kanya ang ina.

Sabi naman ni Jane sa isang panayam nang isuot na niya ang Darna costume, “Actually, nu’ng hindi ko pa nasusuot ‘yung buong costume ‘yung helmet pa lang, teary-eyed na talaga ako kasi para siyang korona — korona ni Darna.”

Sa YouTube interview ni Ogie Diaz kay Jane, napaiyak din ang dalaga nang balikan ang hirap ng buhay nila noon.

View this post on Instagram

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)


“Wala talaga kaming makain. Na asin na lang po talaga ‘yung kinakain namin, ganyan. Asin. Kasi walang-wala po talaga kaming pera.

“Nawalan ng trabaho si Papa, si Mama po ang nagtatrabaho para sa amin. Parang naging househusband si Papa.

“Minsan kapag walang-wala kami, siyempre suweldo ni Mama hindi naman enough sa amin, minsan ‘yung kinakain na lang namin asin, tapos kung alam niyo ‘yung tuyo na may mantika.

“Sa sobrang wala po talaga kaming pera kahit piso po talaga ‘yung manok ng kapitbahay namin pumasok sa bahay, kinuha ng tatay ko kinatay niya. Totoo po. Ginawa niyang adobo.

“Ganu’n po kami kadesperado na makakain nung araw na yon. Hindi rin po namin alam kung saan galing ‘yung manok. Siguro biyaya na lang ng Panginoong Diyos ‘yon na makatawid kami sa gutom. Siguro ganu’n na lang, hulog siya ng langit,” ani Jane.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pumanaw daw ang tatay niya anim na taon na ang nakararaan, “Kung nandito si Papa talaga, kung anuman ang nangyari since nung bata siya pati ‘yung naloko siya, gusto ko po palitan lahat ‘yon, kaso wala na po si Papa. Ang hirap kasi gusto ko bumawi sa kanya, sobra!”

Jane de Leon biglang naiyak nang isuot na ang Darna costume: Parang doon lang nag-sink in sa akin na this is it!

Jane de Leon umamin: Sa totoo lang po, hindi ko rin alam kung bakit ako ang napiling Darna

Fans wish na magkatuluyan sina Rita at Ken; Rocco, Max muling magtatambal sa GMA series

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending