Piolo Pascual hindi nagmamadaling magkadyowa: Darating naman tayo doon | Bandera

Piolo Pascual hindi nagmamadaling magkadyowa: Darating naman tayo doon

Therese Arceo |June 07,2023
facebook
share this

Piolo Pascual hindi nagmamadaling magkadyowa: Darating naman tayo doon

Therese Arceo - June 07, 2023 - 07:10 PM

Piolo Pascual hindi nagmamadaling magkadyowa: Darating naman tayo doon

ILANG taon na rin ang nakalilipas at nananatili pa ring single ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual.

Sa kanyang panayam kay Ogie Diaz na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay nausisa ng talent manager kung kumusta ang buhay pag-ibig ng aktor lalo na’t sobrang abala nito sa pagtatrabaho.

Tila na-e-enjoy na nga ni Piolo ang buhay niya bilang single at aminado ito hanggang ngayon ay wala pa ring nagpapatibok ng kanyang puso.

Nasabi nga sa kanya minsan ng isang pastor na mahirap raw kapag nawili na ang tao na mag-isa lang at walang kasama dahil baka masanay ito. Ngunit tingin ni Piolo, ito ang nangyari sa kanya.

“I’ve been single for so many years. You know, sometimes of course there are nights na sana may katabi ka pero sabi ko ‘I’m not the type na gusto ko nang may kasama’. Parang nasanay na ako, mas sanay na ‘kong ganito

“Wala kang pinagrereportan. Wala kang kailangan uwian. Siguro pagtanda ko nang kaunti, aabot ako doon. Pero sa ngayon talaga, I don’t see it happening,” pagbabahagi ni Piolo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual)

Baka Bet Mo: Piolo Pascual inaming feeling empty nang matamo ang peak ng career: ‘Walang meaning ‘yung buhay’

Hindi rin daw kasi maramdaman ng aktor na kinakailangan niyang pumasok sa isang relasyon lalo na’t abala siya sa buhay at ang dami niyang mga proyektong ginagawa

“So hindi ko siya ine-entertain, I don’t even see the point of being in a relationship because I’m busy. I’m booked ’til next year so I don’t have time for it. Even if I want it, wala naman akong time saan ko siya ilalagay?” lahad pa ni Piolo.

Aniya, iyon raw siguro ang down side ng pagkakaroon niya ng maraming proyekto dahil hindi na niya mapaglaanan ng oras ang pagkakaroon ng love life.

Tanong naman ni Ogie, hindi na raw ba shocking news kung tumandang binata ang isang Piolo Pascual.

“Sayang naman din ‘di ba? Darating naman tayo ‘dun since lalake naman tayo. Hindi kailangang magmadali. Tumanda man ako, pwede pa rin akong magkaanak.

“So, it’s just that for now, this is my priority. And I feel na ang dami ko pang pwedeng gawin, ang dami ko pang gustong gawin, na sana magawa ko before I settle down,” sagot naman ni Piolo.

Naniniwala naman ang aktor na darating rin ang panahon na lalagay rin siya sa tahimik.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Even if time is against me, I know darating at darating ‘yun. If it’s for me, then if not, there is my family, there’s my son. There’s people around [me]. But hindi ko talaga siya iniisip,” sambit pa ni Piolo.

Related Chika:
Piolo posibleng mapasama sa Hollywood project ni Inigo: Let’s cross the bridge when we get there

Piolo naiinggit din sa mga kaibigang may pamilya na: ‘Pero anong magagawa natin, mas mahal ko ang halaman…joke!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending