Piolo naiinggit din sa mga kaibigang may pamilya na: 'Pero anong magagawa natin, mas mahal ko ang halaman...joke!' Bandera

Piolo naiinggit din sa mga kaibigang may pamilya na: ‘Pero anong magagawa natin, mas mahal ko ang halaman…joke!’

Ervin Santiago |September 25,2022
share this

Piolo naiinggit din sa mga kaibigang may pamilya na: ‘Pero anong magagawa natin, mas mahal ko ang halaman…joke!’

Ervin Santiago - September 25, 2022 - 11:52 AM

Rhea Anicoche Tan at Piolo Pascual

“SIYEMPRE naman, tao lang tayo.”

“Yan ang diretsahang pag-amin ng Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual nang matanong kung may inggit din siyang nararamdaman kapag nakikita ang ang kanyang mga kaibigan na may kanya-kanya 
 nang pamilya.

Nakachikahan ng ilangvmembers ng entertainment media ang Kapamilya actor-singer at TV host sa muli niyang pagpirma ng kontrata bilang ambassador ng Beautederm last Thursday, September 22.

Pagpapatuloy ni Papa P, “Pero anong magagawa natin? Mas mahal ko ‘yung mga halaman. Hindi, joke lang!” 

Nahihilig ngayon sa paghahalaman si Piolo na nag-start mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic  at manirahan sa kanyang resthouse sa Batangas.

Sey ng aktor, happy naman daw siya sa buhay niya ngayon bilang isang single man at hindi rin siya naghahanap ng dyowa.

“Hindi yan hinahanap, dumarating na lang yan. I believe in destiny, in something that happens out of fate and divine intervention. I believe in magic, I believe in something electrifying.

“I will know it when the person comes and gives me that feeling. At the end of the day, it’s about the heart or my special feelings for the person,” ang pahayag ni Papa P sa isang hiwalay na panayam.

Nagbahagi rin ng kanyang naging journey bilang isang certified plantito si Piolo sa presscon ng Beautederm, “Nagsimula ako sa walang alam. Tapos binagyo ‘yung bahay namin, so lahat nu’ng tinanim ko na ibiniyahe ko sa Bulacan, Batangas, Laguna, Calamba, na-wipe out. 

“We were hit by a typhoon last year at 150-200 kph. So, lahat nu’ng tinanim ko, natanggal. So, ‘yun ‘yung tuition fee ko,” aniya.

Balak ba niya itong gawing business? “I give it away. Sabi ko nga, siguro, feeling ko, ‘yun ang ending ko, magtatayo na ako ng garden sa rami ng halaman ko.”

Samantala, three years nang bahagi ng Beautederm family si Papa P at siya ngayon ang pinakabagong ambassador ng oral care essentials ng kumpanya ni Rhea Anicoche Tan — ang Koreisu Family Toothpaste at Koreisu Whitening Toothpaste.

“These are daily essentials of mine in maintaining excellent oral health. Ang mga ito ay all-natural products na di lamang hygienic sapagkat nagbibigay ito ng extra layer of protection laban sa mga germs at viruses.

“Grateful ako sa aking Beautéderm family at kay Ms. Rei (president and CEO of Beutederm) para sa tiwala nila na i-represent ko ang amazing products na mga ito that I absolutely love,” pahayag ng aktor.


Sa kamangha-manghang karera ng ni Piolo na tumatakbo na ng tatlong dekada, ang body of work niya ay kinabibilangan ng ng mga top-rating primetime television series at pati na rin ng mga pelikula na talaga namang pumalo sa takilya at naibigan ng mga kritiko at binigyan kulay ng mga ito ang ilang henerasyon. 

Isa si Pascual sa mga respetado at pinagkakatiwalaang aktor sa kasaysayan ng Philippine entertainment. Ang kanyang kasikatan at mga nakamit na tagumpay sa telebisyon at pelikula ang nagbukas ng daan upang ibalik ang biyaya sa industriya bilang prodyuser ng mga de kalidad na pelikula na talaga namang nakakatulong sa paglaki ng industriya.    

Ang tagumpay niya bilang isang aktor ay bunga ng hard work at perseverance, na halintulad sa istroya ng Beautéderm na hinahangaan din ng di mabilang na mga Pinoy. 

“Who doesn’t love Piolo? No one could every argue that he is the ultimate hunk and one of the industry’s top leading men,” sabi ni Ms. Rei.

“Ngunit sa likod ng kinang ng kanyang showbiz persona ay isang hard-working na tao na gumagawa ng positive difference sa mundo gamit ang kanyang professionalism, humility, at kabutihan ng kanyang puso. 

“Plus it really doesn’t hurt that he has a dazzling megawatt smile right? It is truly our pleasure to have Piolo with us in our family,” mensahe pa ng matagumpay ng negosyante.

Piolo Pascual may bagong ‘baby’

Piolo sa pagbabalik-ABS-CBN: Ito ang pamilya ko, ito ‘yung bahay ko!

Piolo, Regine ibinandera na ang tunay na ‘kulay’: Ang totoong unity ay pagkakaisa ng taong bayan, Filipino para sa kapwa Filipino

Piolo kumpirmadong Kapamilya pa rin: I’ll be back home for sure!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending