Bandera

Piolo posibleng mapasama sa Hollywood project ni Inigo: Let’s cross the bridge when we get there

Ervin Santiago |September 26,2022
facebook
share this

Piolo posibleng mapasama sa Hollywood project ni Inigo: Let’s cross the bridge when we get there

Ervin Santiago - September 26, 2022 - 11:36 AM

Piolo posibleng mapasama sa Hollywood project ni Inigo: Let’s cross the bridge when we get there

Inigo Pascual, Rhea Anicoche-Tan at Piolo Pascual

MAKALIPAS ang mahigit dalawang taon, muli naming nakaharap ang Ultimate Leading Man at award-winning Kapamilya actor na si Piolo Pascual.

Halatang kinakabahan si Piolo nang humarap sa mga miyembro ng entertainment media last Thursday,  September 22, para sa renewal ng contract niya bilang brand ambassador ng Beautederm Corporation na pag-aari ni Rhea Anicoche-Tan.

Pero in fairness, fresh na fresh pa rin si Papa P at agree kami sa reaksyon ng halos lahat ng kanyang fans na habang tumatagal at nadadagdagan ng edad ay mas lalo pa siyang gumuguwapo at super yummy pa rin.

“It’s actually been a while since I’ve had a presscon. Since the pandemic, this is the first time,” simulang pahayag ng Kapamilya star sa nasabing event.

Bukod sa mga projects na ginagawa niya ngayon, kabilang na riyan ang mga live shows at face-to-face events, natanong din si Papa P tungkol sa bonggang career ng anak niyang si Inigo Pascual.

Proud na proud ang premyadong aktor sa anak dahil sa Hollywood career nito bilang isa sa cast members ng musical-drama series na “Monarch” ng Fox Entertainment.

“Napapa-smile ako lagi pag may nababasa akong articles, pag may nagpo-forward sa akin ng snippets ng show niya especially from the States,” pahayag ni Piolo na siyang bagong endorser ng Koreisu Family Toothpaste at Koreisu Whitening Toothpaste ng Beautederm.

Dagdag pa niya, “Even my relatives from the States are so proud of him na alam mong napapanood siya sa primetime sa States sa Fox. Na talaga namang sabi ko, you know na kahit kini-claim natin ‘yan, hindi mo iisipin na mangyayari at mangyayari, ngayon nangyari na.

“I’m just really happy and I hope he continues to grow as an artist,” dagdag ng aktor.

At dito nga naibahagi ni Piolo ang naging usapan nila ni Inigo noong ginagawa pa lang nito ang Season 1 ng “Monarch” na may posibilidad nga na mapasama siya sa next season ng naturang serye.

Kapag daw kinailangan ng artistang gaganap bilang tatay ng karakter ni Inigo, may nag-suggest na kunin ang tunay na tatay ng young singer-actor para rito.

“I don’t know whose idea it was. Pero sabi nga niya, if ever pag mag-grow ‘yung story, sabi nga niya, if they need… find a father of Inigo, sabi nga niya sana raw ako. Let’s see,” chika ni Papa P.

Tatanggapin ba niya sakaling ialok sa kanya ang proyekto? “Let’s cross the bridge when we get there. It’s a different ballgame, you know. But, I’m there to support my son of course.”

Ipinagdarasal niya na magtuluy-tuloy na sana ang Hollywood career ng anak, “Now that he has it, he has his chance, he has one foot in, I hope he really breaks out, you know, big time in the international scene.

“And he always has my support in whatever he does, and I believe in his talent. So, I’m just really happy that, you know, he gets to do international stuff, he gets to do something that is from Hollywood.

“He has my support all the way. Sana po, mas marami pang blessing pang dumating sa kanya,” dagdag ng aktor.

Samantala, feeling blessed and thankful naman ang Beautederm President at CEO na si Rhea Tan sa muling pagpirma ni Piolo sa kanyang kumpanya.

Aniya, hindi nakapagtataka kung bakit hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin ng showbiz industry ang aktor at nananatiling isa sa pinakamabentang leading man sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Isa siya sa mga A-listers na nakilala ko na totoong wala siyang ere. Kaya pala siya Piolo Pascual at napaka-humble po niya. Parang hindi niya alam na isa siya sa mga top endorsers..na lahat ng mga kumpanyang gaya ko ay puwede siyang kunin kasi sulit na sulit po siya,” mensahe ni Rhea kay Piolo.

Inigo natupad na ang pangarap na magkaroon ng farm, bumili pa ng mga kabayo, baboy at baka

Piolo naiinggit din sa mga kaibigang may pamilya na: ‘Pero anong magagawa natin, mas mahal ko ang halaman…joke!’

Birthday wish ni Inigo tinupad agad ng Hollywood actress; nag-celebrate sa set ng ‘Monarch’

Piolo Pascual may bagong ‘baby’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending