Paolo Gumabao feeling lucky nang mapasama sa Darna: Pero napakalaking responsibilidad din sa akin | Bandera

Paolo Gumabao feeling lucky nang mapasama sa Darna: Pero napakalaking responsibilidad din sa akin

Ervin Santiago |August 08,2022
facebook
share this

Paolo Gumabao feeling lucky nang mapasama sa Darna: Pero napakalaking responsibilidad din sa akin

Ervin Santiago - August 08, 2022 - 07:49 AM

Paolo Gumabao at Jane de Leon

PARA sa hunk actor na si Paolo Gumabao, isang malaking responsibilidad ang mapasama sa cast ng inaabangang “Mars Ravelo’s Darna” sa ABS-CBN.

Dream come true para sa binata ang mapili bilang isa sa mga makakasama ng Kapamilya actress na si Jane de Leon sa bagong TV version ng iconic Pinoy superhero series na “Darna.”

“Darna was the show that I used to watch as a kid. So being part of the show ay napakalaking responsibilidad sa akin,” pahayag ni Paolo nang makachikahan ng ilang members ng media para sa pagbibidahan niyang bagong episode ng “Maalaala Mo Kaya” sa August 20.

Dagdag pang chika ng aktor, “Siyempre since malaki rin ‘yung tiwala na ibinigay ng mga boss sa atin, ng boss sa ABS-CBN sa atin, ay mas lalo lang tumaas at lumaki ang responsibility natin.

“So siyempre kailangan nating suklian ng hard work, kailangang patunayan natin na hindi sila nagkamali sa pagpili sa akin,” aniya pa.

Kung matatandaan, noong February, 2022 in-announce ng JRB Creative Production ng ABS-CBN na magiging bahagi rin ng “Darna” series si Paolo.

Kung hindi kami nagkakamali, gagampanan ng aktor ang karakter na Noah Vallesteros, na unang ibinigay kay Kiko Estrada.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paolo Gumabao (@paologumabao)


Makakasama rin sa muling paglipad ni Darna sa telebisyon sina Janella Salvador bilang si Valentina, Zaijian Jaranilla as Ding na sidekick ni Darna, Joshua Garcia bilang isang pulis, at Iza Calzado na gaganap bilang nanay ni Jane na siyang unang Darna.

Ito’y sa direksyon nina Chito Roño at Avel Sunpongco, at mapapanood na sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN simula sa August 15.

Jane de Leon handang-handa nang makipagbakbakan kay Janella Salvador sa Darna: Magtutuos na kami!

Darna mural alay sa mga tunay na Pinoy ‘superhero’; Jane, Joshua, Janella saludo sa mga bagong bayani

Sharon Cuneta tinanggihang bumida sa ‘Darna’ noong 20 years old siya, bakit kaya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending