Marian 'di inaaway ni Dingdong: Arte-arte lang ako para may isyu

Marian hindi inaaway ni Dingdong: Arte-arte na lang ako para may isyu

Ervin Santiago - November 20, 2024 - 06:00 AM

Marian, Dingdong hindi nag-aaway: Arte-arte na lang ako para may isyu

Marian Rivera at Dingdong Dantes

“SI LORD talaga yung nasa sentro namin!” Ang pahayag ni Marian Rivera tungkol sa solid na solid pa ring relasyon nila ni Dingdong Dantes.

Kung may isang idol couple ang mga mag-asawa ngayon, siguradong sina Marian at Dingdong yan dahil talaga namang napakaganda at napakaayos pa rin ng kanilang pagsasama.

Sa darating na December ay magse-celebrate na ng 10th wedding anniversary ang DongYan kaya naman sa isang panayam ay natanong si Marian kung ano ang sikreto nila bilang mag-asawa.

“Si Lord talaga yung nasa sentro namin, e,” ang sagot ng Kapuso Primetime Queen. Dagdag ni Yanyan, kailangan daw palaging ang Panginoon ang lagi nilang priority sa lahat ng bagay.

Baka Bet Mo: Marian gustung-gusto pang bigyan ng kapatid sina Zia at Ziggy: Pero kung 2 lang talaga, OK na rin

Wala rin daw siyang maalalang matinding away nila ni Dong kaya nga kung minsan ay nag-iinarte na lang siya para may pagdiskusyunan sila kapag magkasama.

“Minsan corny, hindi na kami nag-aaway, arte-arte na lang ako para kunwari may issue kami.

“Wala talaga, e, kasi siguro priority namin is mas pagtibayin pa yung pagmamahalan namin sa isa’t isa,” natatawang chika ng Kapuso superstar.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera)


At kahit daw pareho silang busy ni Dingdong sa kani-kanilang career, hands on pa rin sila sa pag-aalaga at pagpapalaki sa mga anak nilang sina Zia at Sixto.

Nais din nilang mapanatili ang pagiging role model nila sa mga bata bilang parents, “Gusto talaga namin mahubog sila na mas maaayos talagang mga bata.”

Nauna na naming naibalita dito sa BANDERA na kung si Marian ang tatanungin, keribels lang kung walang bonggang selebrasyon para sa 10th wedding anniversary nila ni Dingdong.

Sa darating na December ay ipagdiriwang na nga ng Kapuso Royal Couple ang ika-10 anibersaryo ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

In fairness, isa kami sa mga mapapalad na naimbitahan at nakasaksi sa bonggang kasalan nina Dong at Yanyan na ginanap sa Immaculate Conception Cathedral sa Quezon City noong December, 2014.

Natanong sa isang event si Yan kung may plano na sila ng pinakamamahal na asawa para sa kanilang 10th wedding anniversary.

“’Yung asawa ko ‘yung nagpaplano, e. Si Dong kasi sentimental naman talaga ‘yung asawa ko. Nu’ng alam namin na ito na, parating na, sabi niya sa akin, ‘Do you want to celebrate?’ Sabi ko, ‘Bakit? Ikaw ba, gusto mo?’

“Ako kasi, the mere fact na magkasama kaming dalawa, maayos ang relasyon namin, maayos ‘yung mga anak namin, okay na ako e, sabi kong ganu’n.

“Pero si Dong talaga ‘yung, ‘Gusto ko na i-celebrate natin ‘to dahil 10 taon na tayong binibiyayaan ng Panginoon at hindi tayo pinapabayaan.

“‘We need to offer Him everything. Not for anyone else, but for Him,'” ang sabi raw ng Kapuso Primetime King kay Marian.

Sa panayam naman ng “24 Oras” ng GMA kay Marian ay natanong kung may plano ba sila ni Dong na magkaroon ng renewal of vows.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey ni Marian, “Very simple with family. Very simple.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending