'Marian Rivera' bet makachika si Karylle, Vice naloka

‘Marian Rivera’ bet makachika si Karylle, Vice naloka

Therese Arceo - September 10, 2024 - 03:13 PM

'Marian Rivera' bet makachika si Karylle, Vice naloka

TILA naloka ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa naging sagot ng kanilang contestant na kahawig ng Kapuso actress na si Marian Rivera.

Nitong Lunes, September 4, sa segment nilang “Kalokalike Face 4”, isang babae ang sumali na talaga namang hawig ng Kapuso Primetime Queen.

Matapos ang ginawang pagpapakilala ng contestant na si Patty bilang si Marian at ang kanyang pa-talent ay nilapitan na siya ng mga hosts para interbyuhin.

“Kung mayro’n kang isang tao na gustong makausap, na matagal mo nang hindi nakakausap, nami-miss na mga nakatrabaho mo noon…sinong gusto mong makatrabaho at kausapin?” tanong sa kanya ni Vice Ganda.

Baka Bet Mo: Katrina Halili may bonggang rebelasyon tungkol kay Marian Rivera

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Well, gusto ko po si K,” sagot ng contestant aka “Marian”.

Reply naman ni Vice, “Brosas? Nakatrabaho mo na ba si K Brosas? Hindi mo naman siya nakatrabaho noon.”

Hindi talaga nagpatalo ang kalokalike ni Marian at sinabing ang K na tinutukoy niya ay ang isa sa “It’s Showtime” hosts na si Karylle.

“Ahh, ok. So eto na. Kakausapin na natin ang mga hurados,” pag-iiba ng topic ni Vice.

Muli niyang nilinaw sa kalokalike ni Marian na ang tanong niya ay taong nami-miss niya na minsan na niyang nakatrabaho.

Sa huli ay sinabi na lang nito na si Ruffa Mae Quinto na lang ang kanyang nami-miss na isa sa mga hurado.

Si Karylle ang latest ex-girlfriend ni Dingdong Dantes bago sila maging magkarelasyon at ngayon nga ay asawa na rin niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang naging kontrobersyal ang tatlo noon at tila hanggang ngayon ay hindi pa rin handa ang mga ito na magkita-kita o magkaharap ng personal.

Nang minsan ring bumisita sina Marian at Dingdong sa “It’s Showtime” para i-promote ang kanilang pelikulang “Rewind” ay kapansin-pansin na wala si Karylle.

Marahil ay iniiwasan lang nila na muling magkaroon ng isyu at maungkat ang nakaraan lalo pa’t may asawa na rin ngayon si Karylle.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending