Marian waging best actress sa Cinemalaya, bonggang b-day gift

Marian Rivera waging best actress sa Cinemalaya, bonggang b-day gift

Reggee Bonoan - August 12, 2024 - 09:16 AM

Marian Rivera waging best actress sa Cinemalaya, bonggang b-day gift

Marian Rivera

“BIRTHDAY ko po bukas (ngayong araw, August 12), salamat po sa napakagandang regalo.”

Ito ang huling nasambit ni Marian Rivera sa kanyang mahabang pasasalamat nang tanggapin ang 2024 Cinemalaya Best Actress award kagabi para sa pelikulang “Balota” na ginanap sa Ayala Malls Manila Bay.

Ang suwerte ni Marian dahil unang beses niya sa Cinemalaya Independent Film Festival at nakuha na niya agad ang best actress na ayon sa kanya ay ang asawang si Dingdong Dantes ang nagsabing tanggapin niya ito nang alukin siya ni Direk Kip Oebanda.

Nang makausap namin si Marian sa launching niya bilang endorser ng Nekocee 15 in 1 vitamins by Kat Melendez ay masaya niyang ikinuwento ang mga naranasan niyang hirap sa shooting ng “Balota”.

Baka Bet Mo: Pakilig ni Ruru kay Bianca: ‘Para sa akin ikaw ang pinakamagaling na nakatrabaho ko, maraming salamat sa ‘yo my love for being maalaga’

Dahil talaga raw sugat-sugat siya sa tuwing umuuwi siya ng bahay, pero worth it naman daw dahil maganda ang istorya at masaya ang pakiramdam niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)


Nang tuksuhin siya na iuuwi niya ang best actress trophy ay napangiti at hindi naman daw siya umaasa pero kung ibibigay ay bakit hindi lalo’t kaarawan niya kinabukasan kaya magandang regalo ito para sa aktres.

At totoo nga, nanalo si Marian at ka-tie niya si Gabby Padilla para naman sa pelikulang “Kono Basho.”

“Sa lahat po ng bumubuo ng Cinemalaya marami pong salamat sa inyo. To my GMA Family, thank you. Direk Kip umpisa palang ng shooting natin ramdam ko ang 100% na pagtitiwala mo sa kakayahan ko kung paano ko iaarte si Teacher M, so, thank you direk Kip.

Baka Bet Mo: John Lloyd kumasa sa bagong hamon ng Cinemalaya 2022

“Sa lahat ng staff and crew sa loob ng anim na shooting days ramdam ko ‘yung pag-aalala, yes sorry to say that, six shooting days (natawa), ramdam ko ‘yung pagmamahal, pag-aalala, paggabay nila sa akin na safe ako na kahit anong bigat ng nararamdaman ko sa lahat ng eksena never nila akong pinabayaan at mine-make sure nil ana maayos akong uuwi kahit sugat-sugat ako.

“Thank you sa lahat ng cast na kasama ko rito napakahuhusay n’yo at siyempre hindi matatapos ang pasasalamat na ito kundi dahil din sa asawa ko (Dingdong), thank you dad.

“Kuwento ko lang ng short sabi ko sa kanya, ‘Mahal may offer sa akin ang Cinemalaya tatanggapin ko ba? Kakayanin ko ba?’ sabi ng asawa ko, ‘kailangan mong gawin ‘yan, kailangan mong ipakita kung sino ka.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)


“Salamat dad sa pagtitiwala at sa mga anak kong very excited tuwing uuwi ako kung anong nangyari sa Balota shooting ko at ‘yung bunso (Sixto) ko binibilang po ‘yung sugat ko tuwing uuwi ako, so salamat, birthday ko po bukas,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang iba pang cast members ng “Balota” ay sina Will Ashley, Royce Cabrera at Nico Antonio, Raheel Bhyria, Esnyr Ranollo, Felix Petate, Donna Cariaga, Mae Paner, Joel Saracho, Sue Prado at Gardo Versoza.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending