John Lloyd kumasa sa bagong hamon ng Cinemalaya 2022 | Bandera

John Lloyd kumasa sa bagong hamon ng Cinemalaya 2022

Ervin Santiago - July 20, 2022 - 02:40 PM

John Lloyd Cruz at Zig Dulay

TINANGGAP ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz ang bagong challenge na ibinigay sa kanya para sa 2022 Cinemalaya Independent Film Festival.

Wala siyang entry sa taunang film festival pero isa siya sa mahahalagang personalidad na magiging bahagi ng event sa likod ng mga camera.

Si John Lloyd ang napiling official photographer ng Cinemalaya 2022 na siyang naatasang kumuha sa mga direktor na maglalaban-laban sa inaabangang filmfest.

“He is official portrait photographer of the 11 filmmakers in competition,” ang pahayag ng festival director na si Chris Millado sa isang panayam.

Sa kanyang official Facebook account, nagbahagi si Chris ng ilang teaser photos ni Lloydie (nakatalikod) habang pini-pictorial ang mga kasaling filmmakers mula sa iba’t ibang bahagi ng Cultural Center of the Philippines (CCP) building na under renovation pa rin hanggang ngayon.


Ayon pa kay Chris Millado, mismong ang painter-photographer na si MM Yu (2009 recipient ng CCP annual 13 Artist Awards) ang nagrekomenda kay John Lloyd.

Dokumentado naman ng photographer na si Rodel Valiente mula sa CCP Film Division ang isinagawang pictorial ni John Lloyd sa 11 filmmakers.

Base sa announcement kamakailan ng Cinemalaya organizers, 11 full-length films ang maglalaban-laban sa 18th edition ng pestibal habang 12 short features naman ang eeksena.

At makalipas nga ang dalawang taong online screenings dahil sa COVID-19 pandemic, magbabalik na ang annual filmfest sa CCP at sa ilang piling sinehan na magsisimula na sa August 5 hanggang 14.

Ayon pa sa official statement ng CCP, “The full-length films in competition were the finalists selected for 2020 and 2021 editions of the film festival. However, due to COVID-19 restrictions, they could not finish their filming.”

https://bandera.inquirer.net/291377/us-filmmaker-isinali-ang-premyadong-lgbtq-horror-love-story-sa-cinemalaya-2021

https://bandera.inquirer.net/293943/kathniel-gustong-kunin-para-gumanap-na-elias-at-salome-sa-noli-me-tangere-sisa-iaalok-kay-liza

https://bandera.inquirer.net/313923/sylvia-natatakot-sa-pagsosolo-ni-ria-sa-buhay-kasi-minsan-naaabuso-na-siya-at-nasasaktan-ako-para-sa-kanya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending