Nora, Eula best actress sa Cinemalaya; 2 veteran star ‘best actor’
Big winner sina Superstar Nora Aunor at Eula Valdes sa nakaraang awards night ng 10th Cinemalaya Film Festival na ginanap sa CCP Main Theater.
Wagi bilang best actress si Ate Guy para sa pelikulang “Hustisya” sa Directors Showcase category, habang si Eula naman ang nanalong best actress para sa entry na “Dagitab” sa kategoryang New Breed.
Binigyan pa ng standing ovation si Nora nang tanggapin niya ang kanyang award. Si Dante Rivero (1st ko Si 3rd) ang nanalong best actor para sa New Breed category, habang si Robert Arevalo naman (Hari ng Tondo) ang best actor sa Directors Showcase category.
Narito ang iba pang nag-uwi ng tropeo sa 2014 Cinemalaya filmfest (Directors Showcase): Best Film, Kasal; Best Direction, The Janitor (Michael Tuviera); Best Supporting Actor, Nicco Manalo (The Janitor); Best Supporting Actress, Cris Villonco (Hari ng Tondo); Best Screenplay, The Janitor
Narito naman ang mga nagwagi sa New Breed cateogory: Best Film, Bwaya; Best Direction, Dagitab (Giancarlo Abrahan V); Special Citation (Ensemble Acting), Elmo Magalona, Kit Thompson, Sophie Albert, Coleen Garcia (#Y); Best Supporting Actor, Miggs Cuaderno (Children’s Show; Best Supporting Actress, Barbie Forteza (Mariquina); at Best Screenplay, Dagitab.
Sa lahat ng mga umuwing luhaan, better luck next time!
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.