Pakilig ni Ruru kay Bianca: ‘Para sa akin ikaw ang pinakamagaling na nakatrabaho ko, maraming salamat sa ‘yo my love for being maalaga’
SIGURADONG inaatake pa rin ng “sepanx” o separation anxiety ang Kapuso couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali sa pagtatapos ng kanilang hit GMA primetime series na “The Write One.”
Hindi lang naman sina Ruru at Bianca ang nakakaramdam ng magkahalong lungkot at saya sa pamamaalam ng kanilang programa kundi pati na rin ang milyun-milyong Kapuso viewers na talagang tumutok sa “The Write One” mula simula hanggang ending.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Ruru ng mahabang mensahe para sa kanyang reel and real life leading lady ilang araw matapos ipalabas ang finale ng kanilang successful series.
Kalakip ng litrato nila ni Bianca ang kanyang madamdaming caption, “Joycelyn Trinidad ng buhay ko (heart emoji) @bianxa.
“Maraming salamat sayo my love, for being maalaga di lang sa akin kundi sa lahat ng tao na nakapaligid sayo. Ikaw ang nagseset ng example for everyone para ibigay ang 100% in every scene na ginagawa mo.
View this post on Instagram
“Para sakin ikaw ang pinaka magaling na naka trabaho ko at alam mo kung gaano ako humahanga sayo. I hope this is not the last time na makaka trabaho kita dahil sobrang dami ko natututunan sayo. Dahil sa show na ito lalo kita naging ‘Crush’.
“I will support you sa lahat ng projects na gagawin mo, kasama mo man ako o hindi ako pa rin ang number 1 fan mo. ILYSM,” sabi ng binata.
Pagpapatuloy pa niya, “Thank you @gmanetwork @gmapublicaffairs for making this happen. To our management team @sparklegmaartistcenter from Ms. @joymarcelo1115 @bossenteng @tracymgarcia @gehgehc @itsmenet8 Salamat po sa tiwala at suporta. To our fairy god mother @bigbadbawang ikaw ang nag push para mangyari to. Thank you thank youu from the bottom of my heart. I love you all!
“RUCAs Mahal namin kayo sobra! Magkahiwalay man kami sa mga susunod naming proyekto pero lagi niyo tatandaan na kayo ang inspirasyon namin para lalo pagbutihin ang aming ginagawa. I love you all.
Baka Bet Mo: Kim Atienza emosyonal sa huling gabi bilang Kapamilya: Ang buhay ay weather-weather lang
“Sa ating isang taon, natupad lahat ng pinangarap ko….
“Bago matapos ang isang programa na sobra kong minahal. Nais ko na magpasalamat sa lahat ng bumubuo ng proyekto na ito.
“Salamat @gmapublicaffairs and to @sparklegmaartistcenter sa walang sawang suporta at pagmamahal sa akin, sa lahat ng tiwala na lagi niyo pinagkakaloob sa akin, gusto ko po ibigay lagi ang best ko sa bawat proyekto na binibigay niyo sa akin dahil grabe po kayo magtiwala.
“Thank you also sa lahat ng bumubuo ng @viuphilippines , to Ms. @bigbadbawang thank you maam sa lahat ng payo at love para sa aming lahat… we love you and I cant wait to work with you again.
View this post on Instagram
“Sa aming director Direk King at sa aming AD Direk Jazz salamat po sa guidance at pagbibigay ng magandang look at storya. Sa lahat ng staff, prod, crew, MUA, stylists, writers, editors, stunt team, utility and Security salamat po sa inyong lahat, alam niyo kung gaano ko kayo kamahal.
“To my co-actors salamat sa lahat ng efforts at pagmamahal sa programa, hindi buo ang The Write One kung di namin kayo kasama dito. Mahal ko kayo at habang buhay na tayong pamilya. Sa lahat ng mga kaibigan ko na nag guest sa programa na ito salamat ng marami sa inyo @mikoymorales and @buboyvillar and syempre sa aking napaka husay na kapatid @reremadrid mahal ko kayo.
“To our acting coach Sir Jay, sobrang naappreciate kita sa lahat ng tulong mo sa amin. To my leading lady @bianxa alam mo kung gaano ako ka thankful sayo… kaya meron pa akong separate post for you haha.
“Pero kung may papasalamat kaming lahat para sa programa na ito yun ay ang aming Show Runner/ EP Sir @marknorella. Salamat sir dahil napaka ganda ng storya mo! Kahit pagod ka na never ka sumuko para sa aming lahat. We love you Sir! See you sa LOLONG S2.
“And syempre mawawala ba ang pa thank you ko sa inyo, yes kayo! Na walang sawang sumusuporta sa aming programa sa GMA Telebabad man yan o sa pag binge watch sa Viu app.
“Thank you sa lahat ng good feedbacks dahil lalo kami naiinspire magtrabaho. Walang iwanan hanggang dulo! ILY All!
“Liam Herrera Signing off,” ang kabuuang pahayag ni Ruru Madrid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.