Kim Atienza emosyonal sa huling gabi bilang Kapamilya: Ang buhay ay weather-weather lang | Bandera

Kim Atienza emosyonal sa huling gabi bilang Kapamilya: Ang buhay ay weather-weather lang

Reggee Bonoan - October 02, 2021 - 10:39 AM

BINIGYAN ng graceful exit ng “TV Patrol” News Anchor Kabayang Noli De Castro ang weatherman na si Kuya Kim Atienza sa huling gabi niya kagabi sa programa.

Ibinahagi ni Kabayang Noli na sa ilang taon nilang kasama gabi-gabi sa “TV Patrol” si kuya Kim ay huling gabi na niya kagabi (Biyernes).

“Kuya Kim, ano ang mensahe mo sa lahat ng Kapamilya natin,” sambit ni Kabayang Noli.

Basag ang boses nito na halatang pinipigilan umiyak habang nagpapasalamat sa mga iiwanan niya sa Kapamilya network.

“Kapamilya napakarami kong dapat pasalamatan.

“Unang-una ang aking boss sa ABS-CBN News, Jing Reyes inalagaan at tinulungan mo akong mas mabuting ‘Kuya Kim’dito sa ating TV Patrol.

“Ang aking mentor naman sa entertainment at an gaming Chief Operating Officer of Broadcast na si Cory Vidanes salamat sa tiwala sa aking kakayahan at sa oportunidad na ibinigay mo sa akin sa (It’s) Showtime.

“Ang aking kaibigan at aming president na si Carlo Katigbak na patuloy na nagpapakita ng malasakit at inspirasyon.

“Ang aking mga co-anchors sa TV Patrol Kabayan, Bernadette (Sembrano), Henry (Omaga-Diaz), Korina (Sanchez), Ted (Failon), Karen Davila, Julius Babao at ang aking partner for 12 years at kasama ko sa aming KimChen show at sa dressing, Gretchen Fullido I’ll never forget you.

“Salamat sa buong staff ng TV Patrol na nakakasama ko gabi-gabi at ang aking partner sa ‘Sakto’ na si Tyang Amy Perez, ang mga naging kasabay ko sa paggising na maraming kapamilya sa ‘Magandang Umaga Bayan’, ‘Magandang Umaga Pilipinas’, ‘Umagang Kay Ganda’ at sa lahat ng naging mapanuri, mapagmatyag at mapangahas sa ‘Matang Lawin’.

“Alam n’yo po ‘yang show na ‘yan has won all the awards that can be won in Philippine television, 200 awards ang napanalunan ng Matang Lawin, Tony Esperida, I love you maraming salamat sa ‘yo.”

At kahit wala na sa mundo si Ka Ernie Baron ay madamdamin pa rin siyang pinasalamatan ni kuya Kim dahil siya ang pumalit bilang weather news anchor nang mawala siya taong 2006.

“Salamat ka Ernie Baron dahil ipinagkatiwala mo sa akin ang isang malaking responsibilidad higit sa lahat, salamat sa inyo mga Kapamilya sa inyong pagsubaybay at pagsuporta. Si Kuya Kim ay hindi magiging kuya Kim kung hindi po dahil sa inyo.

“Sa paglisan man sa istasyong ito na itinuring kong second home kailanman ay hindi ho ako makakalimot. Mananatili sa puso ko at babaunin ang lahat ng mga naranasan at natutunan ko sa ABS-CBN sa loob ng labing pitong taon.

“Natutunan ko na gaano man karami o katindi ang mga bagyong dumarating sa ating buhay, mahalagang manatiling buhay ang pag-asa at pananampalataya sa Diyos at pagmamahal ng Kapamilya.

“Sa ngayon nais kong sabihin for the last time, sa huling pagkakataon, ang buhay ay weather-weather lang, hanggang sa muli Kapamilya salamat po, “emosyonal nitong pahayag.

Sa ilang minutong namamaalam ni kuya Kim ay ipinakita naman ang napakaraming video clips niya sa mga programang kasama siya tulad Magandang Umaga Bayan, Magandang Umaga Pilipinas, Umagang Kay Ganda, Sakto, It’s Showtime, Matang Lawin at TV Patrol.

Pawang words of encouragement ang pabaon nina Bernadette, Henry at Gretchen kay kuya Kim sab ago nitong journey at iisa ang kanilang sinabi, “mami-miss ka namin.”

***

Sa huling gabi ni Kuya Kim Atienza sa Kapamilya network nitong Biyernes, magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ng kaniyang mga kasama sa “TV Patrol”. Malungkot dahil mami-miss siya at masaya para sa bago nitong paglalakbay.

Samantala, nag-post naman si Bernadette ng larawan nila ni kuya Kim sa sa labas ng lumang gusali ng ABS-CBN na ang background ay ang Millennium Transmitter ng Kapamilya network.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bernadette Sembrano-Aguinaldo (@bsaguinaldo)

Ang caption ng anchorwoman “Will miss Kuya Kim and we sincerely wish him well but this is also an appreciation post on why Kapamilya is Kapamilya .

“Sa pamilya, kapag umalis si tatay, si ate, ang mga kuya. Hindi naman nawawala ang pagiging pamilya. May nalulungkot, may nahihirapan, may mangungulila may sasalo sa naiwang responsibilidad. Pero Bukal ang panalangin na sana’y magtagumpay ang Kapamilyang umaalis .

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“This is why I am a proud Kapamilya. Kasi Ganito ang pamilyang Pilipino. Kapamilya pa rin ang 11,000 na napilitang umalis. Kapamilya pa rin ang Mga pinipiling umalis. Pamilya pa rin . Always.

#kapamilyaforever (emoji hearts logo of ABS-CBN)

“And salamat po sa INYO Kapamilya. I know kahit Mahirap mapanood ngayon – I know our Kapamilya viewers will remain and we will continue to do our best for you . #labanlang. Salamat po! Love you, Kapamilya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending