Ruru Madrid umamin sa harap ni Yassi Pressman: 'Siya ang una kong crush! Ngayon niya lang nalaman 'yan!' | Bandera

Ruru Madrid umamin sa harap ni Yassi Pressman: ‘Siya ang una kong crush! Ngayon niya lang nalaman ‘yan!’

Ervin Santiago |May 17,2023
facebook
share this

Ruru Madrid umamin sa harap ni Yassi Pressman: ‘Siya ang una kong crush! Ngayon niya lang nalaman ‘yan!’

Ervin Santiago - May 17, 2023 - 11:48 AM

Ruru Madrid umamin sa harap ni Yassi Pressman: 'Siya ang una kong crush! Ngayon niya lang nalaman 'yan!'

Ruru Madrid at Yassi Pressman

DIRETSAHAN at walang kaabug-abog na ibinandera ni Ruru Madrid na si Yassi Pressman ang una niyang naging crush noong maging artista na siya sa GMA 7.

Yan ang naging rebelasyon ng Kapuso hunk actor nang muli siyang humarap sa ilang members ng entertainment press sa storycon ng bago niyang pelikula kasama si Yassi, ang “Video City” na collaboration ng VIVA Films at GMA Pictures.

Kuwento ni Ruru, nagkatrabaho na sila ni Yassi 10 taon na ngayon ang nakararaan. Noong sumali siya sa reality talent show ng GMA 7 na “Protégé: The Battle for the Big Artista Break” noong 2012, naging partner niya si Yassi sa isang production number.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Actually, hindi ko po siya niligawan pero siya po ‘yung pinakaunang naging crush ko sa GMA,” ang pag-amin niya a presscon ng “Video City.”

“Ngayon niya lang nalaman ‘yan, kaya salamat po. At least alam na niya ngayon,” aniya pa sabay tawa.

Baka Bet Mo: Yassi binalikan ang moment nang mamatay ang tatay: Feeling ko I was having a stroke…halos manigas talaga yung face ko

Patuloy pang paliwanag ng boyfriend ni Bianca Umali, “Si Yassi ‘yung naging pinaka-una kong naging kapartner sa ‘Protégé,’ parang mayroon kaming ginawang sayaw doon.

“Tapos nu’ng mga panahon na ‘yun, lahat ng makita kong artista, nagiging crush ko. Lahat, like si Barbie (Forteza), Bea (Binene), Lexi Fernandez, so lahat talaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pero si Yassi ‘yung una kong nakatrabaho kaya siya ‘yung pinakauna kong naging crush,” paliwanag pa ng aktor.

Kaya naman dagdag na hirit ni Ruru, “Sobrang natuwa po ako na makakatrabaho ko si Yassi. Kasi ‘yun nga, katulad ng sinabi ko, 10 years ago na no’ng makatrabaho ko si Yassi.

“Ten years ago na nu’ng magkita kami, pero sa 10 years na ‘yon, nakita ko rin ang growth ni Yassi as an actress, as a performer. Kumbaga, sa social media ko na lang siya nakikita. Kaya nahihiya akong lumapit baka kasi ‘di na niya ko kilala,” aniya pa.

Tony Labrusca sa una nilang pagkikita ni Kathryn Bernardo: ‘Yung RM niya at that time parang…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yassi Pressman ibinandera ang relasyon kay Jon Semira: So happy with where life has brought us

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending