Tony Labrusca sa una nilang pagkikita ni Kathryn Bernardo: 'Yung RM niya at that time parang... | Bandera

Tony Labrusca sa una nilang pagkikita ni Kathryn Bernardo: ‘Yung RM niya at that time parang…

Therese Arceo |November 26,2022
facebook
share this

Tony Labrusca sa una nilang pagkikita ni Kathryn Bernardo: ‘Yung RM niya at that time parang…

Therese Arceo - November 26, 2022 - 09:43 PM

Tony Labrusca sa una nilang pagkikita ni Kathryn Bernardo: 'Yung RM niya at that time parang...
INALALA ng Kapamilya actor na si Tony Labrusca ang una niyang naging encounter sa isa sa mga premyadong aktres na si Kathryn Bernardo.

Sa kanyang interview kay Ogie Diaz ay napag-usapan nga nila ang kanyang naging buhay noong sa Canada pa ito naninirahan.

Pagkukwento ni Tony, marami raw siyang naging trabaho habang nasa ibang bansa pa ito nakatira.

“Ang dami ko naging odd jobs dun. Nag-fast food ako sa McDo, nag-Wendy’s din ako, pagkatapos nun, nag-retail naman ako. Naging head cashier ako sa Forever 21,” pagbabahagi niya.

Dito nga ay natanong ni Ogie si Tony kung mayroon na ba siyang nakita o naka-encounter na celebrity bago pa man niya pasukin ang mundo ng showbiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anthony (@tony.labrusca)

Sagot niya, minsan raw ay nakita niya so Kathryn habang namimili ito sa shop na kanyang pinagtatrabahuhan.

“Meron, si Kathryn Bernardo. So nagulat ako kasi ang haba ng pila, tapos nung wala na yung tao, siya na lang yung customer. Bumibili siya ng fur na jacket, tapos ako na lang yung cashier dun, sobrang namumukhaan ko yung itsura niya,” pag-alala ni Tony.

Lahad pa niya, sinubukan pa raw niyang makipag-small talk sa aktres habang namimili ito ng jacket.

“Tinatanong ko siya kung, ‘Ikaw ba si Kathryn? Ikaw ba yung artista?’ tas nag ano lang siya sakin [tumango] parang gusto na niya kasi bilhin yung jacket tas ini-small talk ko pa siya,” sabi pa ni Tony.

Tila naimbyerna nga raw ata sa kanya ang road manager ni Kathryn dahil tila nais lang nitong bumili ng damit.

“Yung RM niya at that time, parang naiinis din sakin, kasi gusto lang yata nila bumili tas umalis tas chini-chika ko pa sila,” chika pa ni Tony.

Ngunit talaga ngang maliit lang ang mundo dahil nagkaroon ng pagkakataong maging magka-trabaho nang pasukin ng binata ang pag-aartista.

“Nakakatuwa kasi parang naging foreshadowing din siya,” hirit pa niya.

Matatandaang nagkatrabaho sina Tony at Kathryn sa Kapamilya fantaserye na “La Luna Sanggre”.

Related Chika:
Tony Labrusca: Wala naman akong ginawang masama, mabuti akong tao…

TikTok video nina Tony at Raymond nabahiran ng malisya: E, ano naman kung sweet sila?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tony Labrusca naghubad para sa 27th birthday, mga beking fans nagpiyesta

Tony umaming napraning nang magka-COVID-19; Barbie may malalim na hugot para sa pamilya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending