TikTok video nina Tony at Raymond nabahiran ng malisya: E, ano naman kung sweet sila? | Bandera

TikTok video nina Tony at Raymond nabahiran ng malisya: E, ano naman kung sweet sila?

Reggee Bonoan |September 01,2021
facebook
share this

TikTok video nina Tony at Raymond nabahiran ng malisya: E, ano naman kung sweet sila?

Reggee Bonoan - September 01, 2021 - 04:55 PM

Raymond Gutierrez at Tony Labrusca

NALALAGAY na naman sa kontrobersya si Tony Labrusca dahil sa isyu ng kanyang sexual preference.

Ito’y matapos mag-viral ang TikTok video nila ni Raymond Gutierrez na isang proud member naman ng LGBTQIA+ community.

Matagal nang pinaghihinalaan ang gender ni Tony pero wala naman siyang inaamin o idinedenay hinggil dito.

Nauna nang natsismis na beki noon si Tony na dahil na-link siya sa aktor na si Alex Diaz na eventually ay umamin ding bisexual.

Universal leading man ang tawag ngayon kay Tony dahil bagay siya sa lahat ng nakakasama niyang female star sa pelikula at teleserye tulad nina Angel Aquino, Lovi Poe, Julia Barretto, Heaven Peralejo, Barbie Imperial, at pati sa komedyanang si Alora Sasam na makakasa rin niya sa pelikula.

Marami ang nagtatanggol kay Tony sa viral video nila ni Raymond na huwag basta magbase roon dahil magkaibigan daw talaga ang dalawa at hindi porket close ay may relasyon na.

Nagbigay ng opinyon si Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Tita Jegs sa YouTube channel nitong Ogie Diaz Showbiz Update.

Ang bungad ni Mama Loi ay masyadong touchy si Raymond kay Tony sa dance video nila sa Tiktok at obvious daw ang kakaibang sweetness nila.

“E, ano naman ngayon kung sweet?  So, pag tayo Loi ganyan pagdududahan din tayo ng mga tao?” tanong ni Ogie sa kaibigan.

“E, alam naman nilang pareho tayong girl!  E, ‘yung dalawa, ‘yung isa (Raymond) pa lang naman ang umamin. ‘Yung isa wala namang inaamin,” paliwanag ni Mama Loi.

Hirit ni Ogie, “Hinihintay mo lang?”  

Natawa naman si Mama Loi at nagsabing, “Wala akong sinabi, ah?”

Dagdag pa, “Hindi kasi di ba, ang tagal-tagal ng napapabalita (huwag kang mainip, singit ni Ogie). Kung hindi man siya (Tony) kapatid sa pananampalataya, o, e di mas lalong ano nakakakilig siyempre kasi di ba, bet natin mga cute macho.”

Sabi naman ni Ogie, “Pero alam mo, ang dami-daming may type kay Tony Labrusca kahit ‘yung mga bading type siya, mga babae, mga matrona type si Tony.”

Kaya ang balik-tanong ni Mama Loi kay Ogie, “Type mo ba si Tony?” Facial expression lang ang isinagot ni Ogie na ibig sabihin ay hindi dahil nakilala niya ang aktor noong limang taong gulang palang dahil nga anak ito ni Boom Labrusca na naging talent niya noon.

“Alam mo ‘yang si Tony, five years old palang, e, nakita ko na ‘yan kasi kaibigan ko ‘yung daddy niya si Boom.  Kasi nu’ng inimbita ako noong 90’s sa pa-fiesta ni Boom sa Pasay, nandoon ‘yung bata. Sabi nga nila Loi, kung ayaw pa, huwag huwag pilitin, di ba?” balik-tanaw ng talent manager-vlogger.

“Tama!” mabilis na sabi ni Mama Loi, “At saka kung sila na nga (Raymond and Tony), e, ano naman ngayon? Love wins, di ba?”

“Puwede rin namang ganu’n, pero ‘yung pipilitin nating umamin ang isang tao kung may aaminin or wala, e, ‘wag nating pilitin.  Hayaan natin siya na isa sa mga araw na ito,” pahayag ni Ogie.

Hirit ni tita Jegs, “Aamin din ‘yan!” na ikinagulat ng dalawa.

“Ano ba!  Maku-quote na naman ako. Maba-bash na naman ako ng fans. Hayaan natin sila baka nag-e-enjoy lang sila dahil magkaibigan sila,” sambit ni Ogie.

Diin naman ni Loi, “Ako’y kinikilig kasi ang sweet ng video.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Basa mo lang ‘yun malay mo naman magkaibigan talaga sila,” katwiran ni Ogie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending