Tony Labrusca naghubad para sa 27th birthday, mga beking fans nagpiyesta Bandera

Tony Labrusca naghubad para sa 27th birthday, mga beking fans nagpiyesta

Ervin Santiago |August 09,2022
share this

Tony Labrusca naghubad para sa 27th birthday, mga beking fans nagpiyesta

Ervin Santiago - August 09, 2022 - 07:10 AM

Tony Labrusca

PINAGLIYAB na naman ng Kapamilya hunk actor na si Tony Labrusca ang social media bilang bahagi ng kanyang 27th birthday celebration.

Sa gitna ng panahon nh tag-ulan, pinainit ng binata ang kanyang social media supporters, kabilang na ang mga beking matagal nang nagpapantasya sa kanya.

Ibinandera ni Tony sa Instagram ang ilang litrato na kuha sa kanyang sexy photoshoot para sa ika-27 niyang kaarawan last Sunday,  August 7.

Makikita ang hunk actor sa mga litratong kuha ng photographer na si Mik Primacio na nakasuot lamang ng itim na boxer briefs.

“27,” ang tanging nakalagay sa caption ng mga sexy pictures ni Tony na nagsimula nga sa pagta-topless hanggang sa hubarin na niya ang kanyang pantalon at itinira na lamang ang underwear.
May isang litrato pa nga na tila sinisilip ng Tony ang kanyang pagkalalaki.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anthony (@tony.labrusca)


Ilang sandali lang ang lumipas ay bumaha na ng birthday greetings sa IG ni Tony, kabilang na riyan ang mga mensahe from his celebrity friends including JC Alcantara, his co-star sa Boys Love series na “Hello, Stranger”, Barbie Imperial, Sunshine Cruz at iba pa.

Nito lamang nagdaang Mayo, natanggap na ni Tony ang early birthday gift matapos ibasura ng korte ang kinakaharap na kasong acts of lasciviousness.

“I’m just grateful. Wala naman akong ginawang masama. Mabuti akong tao.

“I didn’t ask for it, I didn’t choose it but it happened to me. It sucks so I guess now I’m grateful I can breathe again. I wish that it didn’t have to happen in the first place but it is what it is, life happens,” pahayag ng binata.

Tony umaming napraning nang magka-COVID-19; Barbie may malalim na hugot para sa pamilya

Tony Labrusca: Wala naman akong ginawang masama, mabuti akong tao…

Tony pangarap gumanap na superhero, type makatambal si Nadine: Feeling ko ang cool niya!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending