Tony umaming napraning nang magka-COVID-19; Barbie may malalim na hugot para sa pamilya
NAG-SHARE sina Tony Labrusca at Barbie Imperial ng kanilang journey sa pakikipaglaban sa COVID-19 at kung paano nila ito napagtagumpayan.
Humarap ang dalawang Kapamilya stars sa finale presscon ng kanilang hit serye na “Bagong Umaga” kasama ang iba pang cast members at dito nga nila naikuwento ang kanilang COVID-19 experience.
Simulang pahayag ni Tony, “I’m not sure if I’m allowed to say this, but the show is about to finish, I don’t think they can get mad at me for this. But halos lahat kami COVID survivors. Am I allowed to say that?
“I’m so sorry. We’re working in a time of pandemic and it happens. But God is good and we all survived so that was pretty unforgettable.
“But I want to reiterate, production took really, really good care of us. Without them, we would be nowhere so I’m sorry shucks! I don’t want to get into trouble,” ang natatawang sabi ng hunk actor.
Anim ang kumpirmadong nahawa ng COVID-19 sa cast ng serye kabilang na nga sina Tony, Barbie, Heaven Peralejo, Nikki Valdez, Sunshine Cruz at Keempee de Leon.
Dagdag pang pahayag ni Tony, “Nakakapraning siya kasi I had a friend who survived COVID and yung sinabi niya sa akin nu’ng nag-recover na ako, ‘Tony, alam mo ba na ito na yung second life mo?
“Kasi when people get COVID, it’s either they live or they die. Dalawa lang yun eh.’ So it’s crazy na kasama na ako sa statistics. Nakakapraning siya but I’m just really thankful that I recovered really fast. On my 12th day I tested negative na.
“And with the help of production team, sila talaga yung naging family namin so parang sila talaga yung nag-alaga sa amin, made sure that we got home safe and that we had the proper meds.
“The doctors were always taking care of us so nakatulong talaga yun. We were all handling it like a family para no one felt left out and no one felt alone,” lahad pa ng binata.
Samantala, inamin naman ni Barbie na choice niyang huwag nang mag-post sa social media tungkol sa kanyang COVID journey.
“I also tested positive for COVID pero I chose not to post it na lang kasi parating throwback yung pino-post ko na mga photos or videos sa story ko and baka malito yung mga tao na nakasama ko kung kailan ba talaga yun.
“Baka isipin nila na kasama ko sila nu’ng day na yun, eh hindi naman talaga. Wala naman akong balak kasi parang ako, every time I post on my Instagram hindi siya real time.
“After ng lock in, umuwi na lang ako. Pinili ko na lang na huwag na lang mag-post since wala naman akong naka-contact na ibang tao, pamilya ko lang,” sey pa ni Barbie.
Matapos gumaling sa virus, mas na-appreciate pa niya ngayon ang kanyang pamilya, “Na-realize ko kung gaano kaimportante sobra yung oras. Kasi siyempre pag pumupunta ako ng taping hindi ko kasama yung pamilya ko. Sobrang palagi ko silang nami-miss.
“Eh, dati kapag nasa bahay lang ako nu’ng wala pang pandemic, parang palagi akong nasa labas, palagi akong umaalis. And then nu’ng nangyari yung pandemic sana pala nag-spend ako ng mas maraming time with my family nu’ng kaya pa,” pahayag pa ni Barbie.
Hindi rin daw siya nagsisisi na tinanggap niya ang “Bagong Umaga” at nagtrabaho sa gitna ng pandemya, “Sobrang saya ko. Ang blessed ng feeling, ang gaan kasi siyempre marami sa atin yung nawawalan ng trabaho and ang saya isa pa rin ako du’n sa mga artista na nabibigyan ng chance na makapagtrabaho.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.