Mercy Sunot: Naiiyak ako, dati ako 'yung nasa stage ngayon...

Mercy Sunot: Naiiyak ako, dati ako ‘yung nasa stage ngayon nanonood na lang

Ervin Santiago - November 20, 2024 - 12:30 AM

Mercy Sunot: Nakakaiyak, dati ako 'yung nasa stage ngayon nanonood na lang

Mercy Sunot

HANGGANG sa kahuli-hulihang sandali ng kanyang buhay ay lumaban ang bokalista ng Aegis Band na si Mercy Sunot.

Pumanaw ang miyembro ng iconic OPM group matapos tamaan ng lung at breast cancer at habang naka-confine sa Stanford Hospital and Clinics sa San Francisco, California. Siya ay 48 years old.

Halos pitong buwan nag-stay sa Amerika ang biriterang singer kung saan siya sumailalim sa medical treatment kabilang na ang chemotherapy para sa kanyang stage 4 cancer.

Maraming Pinoy sa US ang tumulong sa kanya habang nagpapagamot doon.

Baka Bet Mo: Mercy Sunot ng Aegis sumailalim sa lung surgery: Pag-pray n’yo ko guys

Sa isang TikTok video, ibinahagi ni Mercy kung paano siya nag-celebrate ng kanyang 48th birthday last November 6, nang mag-isa at malayo sa pamilya.

“Mahirap sa ibang bansa na nag-iisa ka lang, ‘yung wala kang malapitan, malungkot ‘yung mag-celebrate na kasama mo ang pamilya mo, hindi ko magawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pero no choice ako kasi need ko mag-stay nang matagal dahil nagpapagamot ako dito,” aniya.

Sa panayam ni MJ Felipe kay Mercy noong November 8, sa naganap na dinner show ng isa pang OPM icon na Eva Eugenio sa Hayward, California, masaya pang nakipagchikahan sa kanya ang lead vocalist ng Aegis.

Hindi siya part ng concert pero pinagbigyan pa rin niya ang request ng audience na kumanta on stage.

Sabi ni Mercy kay MJ, nawawala ang lungkot at homesick niya kapag nagpe-perform nang live, “Lalo na kapag nasa stage ka, parang nawawala ‘yung problema mo. Hindi mo naisip na may sakit ka.

“Parang ‘yun na ‘yung way ko para hindi ako masyadong malungkot. Kaya nililibang ko na lang sarili ko, para hindi ko maisip (ang karamdaman ko),” aniya.

Feeling grateful and thankful din siya kapag naririnig niyang nakikikanta sa kanya ang audience.

“Masaya kasi hanggang ngayon, alam pa rin nila ‘yung mga kanta namin,” sabi raw ni Mercy.

Kasunod nito, naibahagi nga ni Mercy ang kanyang sakit, “Nandito ako sa Amerika dahil nagpapagamot ako. Meron akong breast cancer, stage 4.

“Nalaman ko ito last year pa, eh. Nagpa-mamogram ako. Pero nu’ng time na ‘yun, benign pa siya, eh. Nung April, na-diagnose na ‘ko ng cancer.

“Siyempre malungkot, kasi maraming nagbago dahil sanay na kumakanta ka sa stage. Tapos one time, nag-guest ako, naiiyak ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Dati ako ‘yung nasa stage, ako ‘yung nagpe-perform, ngayon parang nanonood na lang ako. Parang ‘yung gulong ng buhay,” saad pa ng yumaong singer.

Nabanggit din daw ni Mercy na nagre-respond naman daw sa katawan niya ang chemotherapy,  “Tuloy-tuloy pa din ‘yung pagpapagamot ko. Injection once a month sa breast cancer.

“Actually dalawa ‘yung cancer ko, ‘yung isa lung cancer. Yung gamot na iniinom ko, nag-rerespond naman ako,” aniya pa.

Paglalarawan pa niya sa nararamdamang kalungkutan dahil malayo siya sa pamilya at sa kanyang mga anak lalo pa’t magpa-Pasko na, “Super lungkot. Iba talaga ‘pag wala ang pamilya mo, nakakalungkot talaga.

“Lalo na nalayo ako sa mga anak ko. Pero para naman sa kanila ito kaya ako lumayo para gumaling ako, para magkasama kami ng mahabang buhay. Naiintindihan naman ng mga anak ko,” saad pa ni Mercy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At tungkol naman sa mga kapatid na kasama rin niya sa Aegis band, “Malungkot sila, dahil 25 years kaming magkasama tapos bigla akong nawala sa grupo. Pero naintindihan naman nila kasi para naman sa akin ‘yun.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending