Sabay na pagtama ng 2 cancer kay Mercy Sunot 'very rare'

Sabay na pagtama ng 2 cancer kay Mercy ‘very rare’, sey ni Doc Alvin

Ervin Santiago - December 01, 2024 - 09:00 AM

2 cancer na sabay tumama kay Mercy Sunot 'very rare', sey ni Doc Alvin

Mercy Sunot

NAPANOOD namin ang vlog ng sikat na social media personality na si Doc Alvin Francisco tungkol sa dalawang cancer ng yumaong Aegis lead vocalist na si Mercy Sunot.

Nakipaglaban si Mercy sa lung at breast cancer na siyang naging sanhi ng kanyang pagkamatay noong November 18, habang naka-confine sa Stanford Hospital and Clinics sa San Francisco, California.

Ayon sa official statement ng Aegis Band na inilabas sa kanilang Facebook page, “She bravely fought her battle with cancer but has now found peace and rest.

“Mercy’s voice wasn’t just a part of AEGIS–it was a voice that brought comfort, joy, and strength to so many. She has touched countless lives, inspiring fans and lifting spirits with every song she sang.

“Her passion, warmth, and unforgettable presence on stage will forever be cherished in our hearts.”

Baka Bet Mo: Mercy Sunot malungkot na nag-birthday bago pumanaw: Mag-isa lang ako…

Sabi ng medical vlogger na si Doc Alvin,  posibleng mangyari na sabay na tamaan ng breast cancer at lung cancer ang isang tao pero bihirang-bihira ang ganitong pangyayari.


“So, clearly dalawa po ‘yung uri ng cancer na nilalabanan ni Ma’am Mercy nung nasa ibang bansa siya, breast cancer at saka lung cancer,” simulang pahayag ng doktor.

“Hindi ko lang sigurado kung ‘yung breast ba ‘yung nauna or ‘yung lung cancer ‘yung nauna, or sabay.

“Puwede po kasing sabay ‘yan, pero kadalasan sa mga pasyente ko before, kapag breast cancer patient, napakabilis po niyan kumalat lalo na papuntang baga,” paliwanag niya.

“Ang dami ko pong mga cases before na Breast CA, stage four, ang kalat niya sa atay o kaya sa baga.

“Very rare po na magsabay itong lung and breast cancer lalo na sa mga kababaihan. Mas common talaga ‘yung breast, pero puwede pa rin po ‘yan magsabay,” saad ng socmed personality.

Samantala, nagbigay din ng reaksyon ang doktor sa pagsailalim ni Mercy sa lung operation. Aniya, based on his personal experience as a medical practitioner, karaniwang dumadaan muna sa chemotherapy ang isang pasyente para mapaliit ang bukol bago operahan ito.

Patuloy ni Doc Alvin, “Ang plano sa kanya ng mga doctor sa ibang bansa ay operahan sa baga hoping na matanggal ‘yung bukol na nandun, kung primary bukol man ‘yun or makakalat sa breast cancer.

“Ako personally ‘yung mga nakita ko before na may lung metastasis, ang unang ginagawa talaga diyan ay kini-chemotherapy. Pinapaliit muna ‘yung bukol bago operahan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero still, depende pa rin po ‘yan sa stage nung inyong cancer and depende po ‘yan sa desisyon ng surgeon n’yo saka ng oncologist n’yo,” paliwanag pa ng sikat na doktor sa social media.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending