Mercy Sunot ng Aegis sumailalim sa lung surgery: Pag-pray n’yo ko guys
NALULUHANG ibinalita ng isa sa mga miyembro ng OPM iconic group na Aegis na si Mercy Sunot sa publiko ang health condition ngayon.
Sa ginawang TikTok video ng biriterang singer ay humiling siya ng dasal sa mga netizens upang mapagtagumpayan niya ang kanyang karamdaman.
Ayon kay Mercy, naging matagumpay naman ang ginawang operasyon sa kanya kamakailan dahil sa breast at lung cancer.
Dinala raw siya sa intensive care unit (ICU) sa isang ospital matapos makaranas ng hirap sa paghinga kasunod ng pagtanggal sa namuong tubig sa kanyang baga.
“Biglang nahirapan akong huminga, so dinala ako sa ICU. May tubig pala, may inflammation ‘yung lungs ko, so ginagawan na nila ng paraan,” pagbabahagi ng miyembro ng Aegis.
Baka Bet Mo: Maiqui Pineda nagkaroon ng ‘lung disease’, sumailalim sa rehab program: ‘It teaches me how to breathe again…’
Aniya, tinurukan siya ng steroids para maiwasan ang paglala ng inflammation sa kanyang baga.
Sa dulo ng kanyang TikTok video ay nagsimula ngang maluha si Mercy habang humihiling sa kanyang mga followers na ipagdasal siya para sa kanyang agarang paggaling.
“Pag-pray niyo ako guys, please. Pag-pray niyo ako na matatapos na ‘tong pagsubok na ‘to,” pagsusumamo ni Mercy gamit ang mga hashtag na #breastcancerwarrior at #lungcancerwarrior.
Marami naman ang nagkomento sa video ni Mercy at nangakong ipagdarasal ang kanyang paggaling at mabilis na pag-recover. Narito ang ilan.
Gagaling ka in Jesus name.”
“Padre Pio you are the Saint of all miracle and healing pls let your hand touch her body and soul to help our dear Warrior to fight and get healed. Nothing is impossible w/ u in Jesus name. Amen.”
“Be strong idol mercy of aegis in Jesus name Amen. god is good all the time. get well soon po.”
“Kapit and laban lang po Mercy.”
“Alah idol Laban Lang idol Mercy Laban Lang Oagaking ka Ha hintay kapa namain dto sa Saitama Ken para mag concert Namiss kna kayo idol.”
“Gagaling ka idol mercy aegis dika pababayaan ni lord god bless you.”
“Praying for your recovery.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.