Aegis never naisip na sisikat; inaming hinahangaan ang SB19, Ben&Ben, Kahel
“AYAW talaga naming pumasok sa recording.”
‘Yan ang inamin ng iconic rock band na Aegis matapos sila tanungin sa isang exclusive press conference kung naisip nila na sila’y sisikat.
Kwento nila, ang pagbabanda kasi ang talagang bumubuhay sa kanilang pamilya kaya takot silang makipagsabayan sa music industry.
“Kasi ang pagba-banda, bread and butter namin ‘yan. So alam namin na hindi lahat nagiging successful kasi grabe ang kompetisyon sa showbiz industry,” chika ng isa sa lead vocalists na si Juliet Sunot.
Patuloy niya, “So ayaw namin ‘nung una, pero wala kaming choice eh. Kasi after naming bumiyahe sa Japan, medyo humina din e. So timing lang din talaga.”
Baka Bet Mo: Aegis chinika paano alagaan ang boses: ‘Mina-microwave ang ice cream!’
View this post on Instagram
Kasabay niyan ay inalala pa ng rock band kung paano sila nag-umpisa at nabuo.
“Kami ‘yung mga latak ‘nung [dating] banda. Kami ‘yung mga natira na binuo ng aming manager. So siguro ‘yun talaga ang destiny,” kwento ng keyboardist ng banda na si Stella Pabico.
Pahabol ni Juliet, “Kasi dati 12 na [members] kami. So ‘yung lima, nagka-asawa na. So kami ‘yung naiwan and triny naming mabuo. So ‘nung nabuo kami, naging Aegis na.”
“Nag-Japan muna kami para mag-ipon. Kasi lahat po ng recording [label], hindi po talaga naging swerte. So ang nangyari, nag-ipon muna kami para kung mag-stack up man kami dito, meron kaming panggastos,” Dagdag niya.
Ani pa ng isang bokalista na si Mercy, “Talagang dumaan kami sa hirap…Tapos may [sinubukan] kaming recording [label], hindi tinanggap [and demo] dahil baduy daw.”
Follow-up ni Juliet, “‘Yun talaga ang [tingin] nila sa Aegis before. Baduy raw. Hindi bagay. Kahit ganun ang sinabi nila, hindi namin inintindi ‘yun, basta kami nagsikap kami. Pinakita namin sa kanila.”
Nang tanungin naman sila kung sino ang nais nilang sumunod sa kanilang yapak bilang iconic figures ng OPM.
Ilan sa mga nabanggit nila ay ang Pinoy pop sensation na SB19, ang OPM band na Ben&Ben, pati na rin ang baguhang singer na si Kahel na anak ng isa sa Aegis member na si Rey Abenoja.
“‘Yun talaga sila [SB19]…’yung grupo na ‘yun talagang parang, grabe, grabe sila. Mas sikat pa talaga ‘diba,” sambit ni Juliet.
Dagdag niya, ‘Yung anak ni Kuya Rey, nag-uumpisa pa lang na si Kahel. Suportahan po ninyo.”
View this post on Instagram
Samantala, nakatakdang magkaroon ng show ang Aegis sa susunod na buwan.
Pinamagatan itong “AEGIS: The Christmas Bonus Concert” na magaganap sa Theatre At Solaire sa Paranaque City sa darating na December 20, 8:00 p.m. onwards.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na haharanahan ng rock band ang kanilang fans kung saan aawitin nila ang ilang Christmas songs.
Bukod diyan, siyempre hindi mawawala ang ilang greatest hits ng kanilang banda.
Ang kaabang-abang na special guests nila sa nabanggit na show ay ang diamond-selling artist na si Jose Mari Chan at ang 15-piece orchestra na The Manila String Machine.
Mabibili ang tickets via Ticketworld outlets nationwide at official website.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.