AEGIS may ‘Pamasko’ sa fans, first time magkaroon ng Christmas concert: ‘We want to spread happiness, positivity’
MAY kaabang-abang na sorpresa ang iconic Pinoy rock band na Aegis ngayong Holiday Season!
Sa darating na Disyembre ay ipagdidiwang ng OPM stars ang kanilang career-spanning legacy sa pamamagitan ng isang Christmas concert.
Pinamagatan itong “AEGIS: The Christmas Bonus Concert” na magaganap sa Theatre At
Solaire sa Paranaque City sa darating na December 20.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na haharanahan ng rock band ang kanilang fans kung saan aawitin nila ang ilang Christmas songs.
Bukod diyan, siyempre hindi mawawala ang ilang greatest hits ng kanilang banda.
Baka Bet Mo: Pelikulang ‘Thanksgiving’ ipinakilala na ang bagong serial killer, mananakot sa Nobyembre
“Backed by an orchestra and rendered with intricate arrangements that elevate the experience of listening to AEGIS live, the concert finds the Pinoy vocal powerhouse at the top of their game, celebrating with fellow Filipino people in expressing gratitude for year-long blessings and love, and for the opportunity to spend more time with family during the holiday breaks,” saad sa inilabas na pahayag ng organizers.
Pagbabahagi naman ng banda sa isang press statement, “It’s hard to imagine the Christmas season without music that signifies humanity and love.”
Naikuwento din ng Aegis na kaya nila naisipan ang ganitong klaseng concert dahil gusto nilang magkalat ng good vibes ngayong papalapit na ang Pasko.
“We feel that this concert is a great way to uplift our spirits during trying times,” sey ng Aegis.
Ani pa ng rock band, “We want this event to be as festive and colorful as possible, but at the same time, we want to perform with the goal of spreading happiness and positivity among those who are yearning for something to make them feel at home.”
Ang tickets para sa nasabing concert ay mabibili na simula sa October 13, eksaktong 1:00 p.m. via Ticketworld outlets nationwide at official website.
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.