Pelikulang ‘Thanksgiving’ ipinakilala na ang bagong serial killer, mananakot sa Nobyembre
ISANG makatindig-balahibo nanaman ang kaabang-abang na pelikula sa susunod na buwan.
Ito ang horror thriller film na “Thanksgiving” na nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa darating na November 22.
Kalalabas lang ng trailer nito kung saan ipinakilala ang bagong serial killer na talaga namang katatakutan ng mga manonood.
Karumal-dumal ang ilang eksena sa pasilip na ginawa sa Plymouth, Massachusetts – isang bayan sa Amerika kung saan nagsimula ang national holiday nila na kung tawagin ay Thanksgiving.
Baka Bet Mo: ‘The Exorcist: Believer’ matinding katatakutan ang handog sa mga sinehan
Narito ang synopsis ng bagong thriller film na inilabas ng Columbia Pictures:
“After a Black Friday riot ends in tragedy, a mysterious Thanksgiving-inspired killer terrorizes Plymouth, Massachusetts – the birthplace of the infamous holiday.
“Picking off residents one by one, what begins as random revenge killings are soon revealed to be part of a larger, sinister holiday plan. Will the town uncover the killer and survive the holidays…or become guests at his twisted holiday dinner table?”
Tampok sa “Thanksgiving” film ang Hollywood stars na sina Patrick Dempsey, Addison Rae, Milo Manheim, Jalen Thomas Brooks, Nell Verlaque, Rick Hoffman at Gina Gershon.
Mula naman ito sa direksyon ni Eli Roth, ang American film director and screenwriter na sikat sa mga thriller slasher film gaya ng bago niyang pelikula.
Ilan lamang sa nakilala niyang pelikula ay ang “Cabin Fever” na ipinalabas noong 2002 at ang “Hostel” na ni-release noong 2005.
Related Chika:
Martin del Rosario nag-ala serial killer sa Halloween, binatikos ng netizens
Angel naghanda ng bonggang after-quarantine thanksgiving dinner para sa pamilya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.