Angel naghanda ng bonggang after-quarantine thanksgiving dinner para sa pamilya
ANG bongga ng pa-thanksgiving dinner ng actress-TV host na si Angel Locsin para sa kanyang pamilya na nahawa at tinamaan ng COVID-19.
Naging challenging para sa mga miyembro ng family ng misis ni Neil Arce ang nakaraang buwan dahil nga hindi rin nakaligtas ang mga ito sa nakamamatay na virus.
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ng Kapamilya actress ang ilang litrato ng kanyang inihandang surprise dinner para sa mga kapamilya na naka-recover na sa killer virus.
Ito’y matapos nga nilang makumpleto ang ilang araw na quarantine para matiyak na ligtas na sila sa COVID-19 at maaari na uling makasama ang kanilang mga mahal sa buhay.
“Did a little extra for my family’s after-quarantine thanksgiving dinner,” ang bahagi ng caption ni Angel sa kanyang IG post.
Makikita sa mga litratong ipinost ni Angel ang napakasosyal na set-up ng dinner table na punumpuno ng orange na may illuminated sign na “Better Together.”
Sey ni Angel, ang naisip daw kasi niyang theme ng thanksgiving dinner ay “Vitamin C” na isa sa pinakamabisang panlaban sa iba’t ibang uri ng sakit.
Mensahe pa niya ng aktres,”Grateful for everyone and everything in my life today. One day this pandemic will be over.”
Bumuhos naman ang mga positibong komento sa IG post ni Angel mula sa mga netizens at halos lahat ay nagsabing napaka-sweet at generous talaga ng aktres lalo na sa kanyang pamilya.
Comment ng isa niyang IG follower, “Ang Ganda ng set-up! ‘Better Together.’ God bless you all!”
“Glad everyone is safe now, especially Daddy. Ganda ng set-up,” sey naman ng isa pang netizen.
Kung matatandaan, ibinalita ni Angel na naospital ang kanyang 94-year-old na amang si Angelo Colmenares matapos magpositibo sa COVID-19.
“It’s been a week of feeling helpless. Imagining having (COVID-19) at 94. Now imagine being blind in unfamiliar surroundings.
“So many realizations during this pandemic. We all have our battles, but some definitely more than others. To the PWDs and everyone fighting their battles alone, kapit! This too shall pass,” pagbabahagi ng aktres.
Kasunod nito, inamin din niya na 10 sa miyembro ng kanilang pamilya ay tinamaan din ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.